Terence Crawford Jeff Horn Manny Pacquiao Mike Alvarado

Bakbakang Crawford-Horn/ Pacquiao-Alvarado sa Las Vegas

NILINAW ni promoter Bob Arum sa Boxing­Scene.com noong Martes na ang sagupaang Terence Crawford-Jeff Horn at Manny Pac­quiao-Mike Alvarado ay hindi mangyayari sa Madison Square Garden, sa halip ay magaganap iyon sa Las Vegas.

Dagdag ni Arum na posibleng isa sa pag-aari ng MGM Resorts International gawin ang laban.   Kung sakaling mangyari iyon ay malaki ang posibilidad na sa Mandalay Bay iyon gawin na kung saan ay at-home si Pacquiao na tuluyan.

Bagama’t gusto ni Arum na maganap ang labang iyon  sa Madison Square Garden, okupado ang April 14 ng dalawang boxing cards sa nasabing petsa.