Tuesday , July 5 2022

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant.

At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero.

At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon sa halftime show ng kanilang laban kontra sa nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors.

Isang taon pa lang mula nang magretiro si Bryant sa basketball at ngayon ay ireretiro na agad ang kanyang jerseys na nangangahulugang wala nang maaaring magsuot ng alinman sa 8 o 24 numero sa Lakers habambuhay.

Huling naglaro si Bryant noong 3 Abril 2016 kontra sa Utah Jazz na tinabunan niya ng makasaysayang 60 puntos upang tapusin ang kanyang 20-taong makasaysayang karera.

Pagpasok ni Bryant noong 1996 ay numero 8 ang ginamit niya. Tumagal ito nang 10 taon bago magpalit sa 24 sa natitirang 10 taon ng kanyang karera.

Sa numero 8 ay nagkamal ng 16,866 puntos si Bryant kabilang ang 3 kampeonato habang nagbuslo siya ng 15,868 puntos, dalawang kampeonato at dalawang Finals MVP habang suot ang numero 24.

Sasamahan ni Bryant ang iba pang mga alamat ng Lakers na nairetiro na ang kanilang mga numero tulad nina Wilt Chamberlain, Jerry West, Kareem Adbul Jabbar at Magic Johnson.

(JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Gary Payton II

$28 Million deal sa Trail Blazers isinapinal ni Gary Payton II

ISINAPINAL ni Gary Payton II ang 3-year, $28 million deal sa Trail Blazers,  ayon sa …

Zolani Tete Jason Cunningham

Zolani Tete giniba si Jason Cunningham sa 4th round

NASA radar na muli ni dating two-weight world champion Zolani Tete ang isa pang pagkakataon …

Rene Mark Cuarto

Cuarto talo kay Valladeres via split decision

NAYARI ang koronang hawak ni Rene Mark Cuarto ng Pilipinas  nang talunin siya ni Mexican …

Kevin Arquero

Arquero naghari sa Marikina Chess Tourney

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess …

Ivan Travis Cu Chess

Cu kampeon sa Under-13 Open Nat’l Youth & Schools Chess Championship semi-finals

MULING pinatunayan ni National Master Ivan Travis Cu ng San Juan City ang kanyang husay …

Leave a Reply