Saturday , February 4 2023

Warriors, ‘di pinatawad ang Cavs (Walang Pasko-Pasko)

KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay Klay Thompson ang hulihan sa pagkamada ng huling pitong puntos ng laro upang mabasag ang 92-tabla tungo sa panalo ng Warriors kahit wala ang isa pang pambato na si Stephen Curry.

Buhol sa 92-tabla sa huling minuto, nagpakawala si Thompson ng pitong sunod na puntos upang wakasan ang pag-asa ng Cavs na masilat ng panalo sa road game. Nagtapos siya 24 puntos mula sa apat na tres at sinahugan pa ng 7 rebounds at dalawang assists.

Sumuporta naman si Durant sa kanyang 25 puntos, 7 rebounds at 5 tapal habang may triple double si Draymond Green sa inilistang 12 puntos, 12 rebounds at 11 assists.

Samantala, nauwi naman sa wala ang 31 puntos at 18 puntos ni Kevin Love gayundin ang 20 puntos, 6 na rebounds at 6 na assists ni LeBron James.

Umangat sa 27-7 ang kartada ng Warriors habang nahulog naman sa 24-10 ang Cavaliers.



Samantala, sa iba pang resulta ng laro sa Pasko, dinaig ng Sixers ang Knicks, 105-98;

Panis ang Celtics sa Wizards, 111-103;

Iwan ang Rockets sa Thunder, 112-107

at nilamon ng Timberwolves ang Lakers, 121-104.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

OLONGAPO – Ipinamalas ng Filipino-Spanish na si Fernando Jose Casares ang kanyang tibay, lakas at …

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …

Leave a Reply