Tuesday , December 24 2024

Sports

Cena, Lu magkasalo sa liderato (Bacolod chess tourney)

Chess

BACOLOD CITY—Napa­natili nina Neil Vincent Cena ng Bacolod City at Johnmari Josef Lu ng Zamboanga City ang pag­salo sa liderato sa pagpa­patuloy ng 2019 National Youth and Schools Chess Championships-Visayas leg na ginanap  sa 4th floor Metro Lobby, Ayala Malls Capitol Central, Bacolod City nitong weekend. Giniba ni Cena si Karl Patrick Bardinas ng San Enrique, Negros Occi­dental matapos ang …

Read More »

Perez, bayani sa Pangasinan

HINDI binigo ni CJ Perez ang kanyang mga kababayan matapos magningning sa katatapos na 2019 PBA All Star Weekend na ginanap sa Calasiao, Pangasinan. Tubong Bautista, Pangasinan, hindi ipinahiya ni Perez ang mga kapwa Pangasinenses nang buhatin sa 141-140 tagumpay ang koponang Rookies-Sophomores kontra sa mga kuya nilang Juniors kamakalawa ng gabi sa Calasiao Sports Complex. Umariba ang Columbian Dyip …

Read More »

Kai Sotto simula na sa ensayo

UUMPISAHAN na ni Kai Sotto ang kanyang ensayo sa pagli­pad sa US ngayon para sa dalawang buwang pagsasanay na bahagi ng kanyang misyon na makatapak sa National Basketball Association (NBA). Sa Atlanta, Georgia ang unang destinasyon ng 7’2 Filipino teen sensation na sasailalim siya sa puspusang body strengthening at con­ditioning sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng East West …

Read More »

Batang Gilas mapapalaban sa World Cup

NAHULOG sa bigating Group C ang Batang Gilas sa napipintong 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion, Greece. Ayon sa FIBA groupings draw na ginanap kamakalawa ng gabi, makakalaban ng RP youth team sa Group C ang powerhouse squads na Argentina, Russia at host country na Greece sa torneong magaganap mula 29 Hunyo hanggang 7 Hulyo. Mapapalaban agad ang Batang …

Read More »

Philippine Sports Training Center Act, pinirmahan na ni Digong

SA unang pagkakataon simula 1934, kung kailan itinayo ang Rizal Memorial Sports Complex (RSMC),  magkakaroon na sa wakas ng permanente at moder­nong tahanan ang mga atletang Filipino. Ito ay matapos iharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong pirmang Republic Act No. 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act kamakalawa ng gabi sa Malacañang Palace sa Maynila. Ang Philippine Sports …

Read More »

Gilas kontra Qatar ngayon sa Doha

MAPAPALABAN ang Gilas Pilipinas ngayon kontra sa Qatar na sasandal sa homecourt advantage sa pagpapatuloy ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Doha ngayon. Magaganap ang salpukan sa 7:00 ng gabi (12 ng madaling araw, Manila time) na tatangka ang Gilas sa isang malaking road win upang mapanatiling buhay ang misyon na makapa­sok pa rin sa World Cup na …

Read More »

FIBA 3×3 Asia Super Quest, gaganapin sa Ph

FILIPINAS ang magiging tahanan ng kauna-unahang FIBA 3×3 Asia-Pacific Super Quest na nakatakda sa darating na Abril. Katuwang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, inianun­siyo ito ni Chooks-to-Go owner Ronald Mascariñas kamakala­wa ng gabi sa isang media launch ng makasaysayang torneo na tatawaging Chooks-to-Go 3×3 Asia-Pacific Super Quest. Nakuha ng bansa ang hosting rights ng naturang event matapos mapabilib ang FIBA …

Read More »

Super Boy Dayao babasag muli ng rekord

HANDANG bumasag muli ng panibagong Philippine Powerlifting record ang Super Boy ng Philippine sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa 38kgs developmental category sa gaganaping 2019  5 In 1 Philippine Luzon Open Powerlifting Championships sa Barangay Greater Lagro covered stage Q.C. sa darating na  Linggo. Plano  ng mag-amang Cirilo at Jose Dayao 111 na …

Read More »

Sepfourteen nakaraos sa “Commissioner’s Cup”

KAPANA-PANABIK ang naganap na 2019 PHILRACOM “Commissioner’s Cup” nitong nagdaang weekend sa karerahan ng San Lazaro matapos na dikit na nagkatalo pagtapat sa linya ang mga kabayong sina Sepfourteen ni John Alvin Guce na outstanding favorite sa laban kontra sa malayong ikaapat na paboritong si Electric Truth ni Mark Angelo Alvarez na ga-ilong lamang na nagkatalo. Sa alisan ay inasahan …

Read More »

Anthony, unang PBA Player of The Week ng 2019

BAGONG season ngunit parehong galing ang ipinamalas ni Sean Anthony ng Northport matapos hirangin bilang unang Cignal – PBA Press Corps Player of the Week ng 2019 PBA Season. All-around performance ang ipinakita ng 6’4 forward na si Anthony sa unang linggo ng 2019 PBA Philippine Cup na nawalis ng koponan niyang Northport ang kanilang unang dalawang laban. Nagrehistro si …

Read More »

Victolero, Coach of the Year

SA unang pagkakataon sa loob ng apat na taon, bagong punong-gabay ang tatanghalin bilang Baby Dalupan Coach of the Year sa gaganaping 25th Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center. At ito ay walang iba kundi si Chito Victolero ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok na napili ng mga mama­mahayag sa parehong diyaryo at …

Read More »

PacMan, 40, boxing champ pa rin

KALABAW lang ang tumatanda.  Iyan ang pinatunayan ni Filipino boxing pride Manny “Pacman” Pacquiao matapos tagumpay na madepensahan ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt kontra Adrien Broner sa pamamagitan ng kombinsidong unanimous decision (UD) win kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Dinomina ng 40-anyos na si Pacquiao si Broner sa loob ng 12 rounds, 116-112, 116-112 …

Read More »

Pringle, Standhardinger  sipa sa Nat’l team?

Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

MAWAWALAN ng pu­westo sina Stanley Pringle at Christian Stand­har­dinger kung sakaling makabalik si NBA veteran Andray Blatche sa Pam­ban­sang koponan. Hinayag ni national coach Yeng Guiao matapos nitong  tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madali nitong maisasa­gawa ang pagpapalitan at mabuo ang “chemistry” sa pagbabalik pagsasanay sa Enero 21. “Most of them will be back …

Read More »

Gilas, sasandal sa 15-man pool

BILANG sagot sa mungkahi ni head coach Yeng Guiao noong nakaraang window, 15-man pool na lamang ang ipaparada ng Gilas Pilipinas simula ngayon para sa papalapit na ikaanim at huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan. Ito ang inianunsiyo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio at mismo ni Gilas mentor Guiao, …

Read More »

Makasaysayang 20-team field, paparada sa DLeague

DALAWAMPUNG koponan ang magbabakbakan sa maka­saysayang 2019 PBA Develop­menta League ngayong taon na lalarga sa 14 Pebrero sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Gigiyahan ng nakaraang kampeon na Go For Gold ang pinakamalaking bilang ng koponan sa kasaysayan ng semi-professional league para sa misyong masungkit ang back-to-back titles. Hindi naman magiging madali ang misyong iyon ng Scratchers lalo’t ang …

Read More »

Katarungan para kay Chairman Peter Bautista

Kurot Sundot ni Alex Cruz

NAGLULUKSA ngayon ang grupo ng joggers, barangay ni Chairman Bautista, pamilya at mga kaibigan. Matagal na naming kasama sa jogging si chairman Bautista, masaya siyang kasama habang tumatakbo at naglalakad sa kahabaan ng Chinese Cem.  Marami siyang kuwento na nakakatawa, minsan problema sa kanyang nasasakupang barangay pero sa kabuuan, mainit ang pakikitungo niya sa mga kapwa niya joggers. Isa si …

Read More »

Para sa 2019 Dubai Int’l Basketball Championship

HINDI pa nasusulit ang kan­yang retirement, balik basketball na agad si Jett Manuel matapos kunin ng Mighty Sports bilang miyembro ng ipapadala nitong koponan sa Dubai International Basketball Championship sa susunod na buwan. Kinuha si Manuel ng pam­bato ng bansa bilang dagdag na puwersa sa koponang gaga­bayan ni head coach Charles Tiu at babanderahan ng tatlong imports na sina Randolph …

Read More »

Chot ‘di babalik sa TNT, PBA

ITINANGGI ni Chot Reyes ang umugong na balita na magbabalik siya bilang advisor ng Talk ‘N Text sa Philippine Basketball Association (PBA). “Contrary to reports, I am not part of TNT in any official capacity,” ani Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Kamakalawa ay napaulat ang kanyang pagbabalik sa PBA, pitong taon simula nang huling gabayan ang TNT sa …

Read More »

Leo Awards, isasabay sa PBA opening (Sa 13 Enero 2019)

ISASABAY ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Leo Awards o ang pagpa­parangal sa mga natatanging manlalaro ng taon sa pagbu­bukas ng 44th Season sa 13 Enero 2019 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Ito ang unang pagkakataon na hindi sa pagtatapos ng sea­son ginanap ang naturang sere­monya na kinikilala ang pinaka­magagaling na manlalaro sa 43rd season. Kadalasan, sa Game 4 ng …

Read More »

Injury ni Lebron hindi malala

NAKAHINGA nang maluwag ang Los Angeles Lakers fans nang mabatid na hindi malala ang injury ng superstar at lider na si LeBron James. Batay sa MRI exam, strained left groin ang nakadale kay James sa ikatlong kanto ng malaking 127-101 tagumpay nila kontra sa two-time  NBA champion na Golden State Warriors nitong Pasko sa Oracle Arena. Nasa day-to-day basis, inaasahang …

Read More »

48 aplikante, masusubok sa PBA Draft Combine

Abu Tratter Robert Bolick Rayray Parks CJ Perez Paul Desiderio Bong Quinto

MAYROONG tsansa ang 48 aplikante ngayon upang patu­nayan ang kanilang kahandaan na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sasailalim sila sa dalawang araw na pagsubok. Sasalang sila sa mahirap na PBA Draft Combine simula ngayon hanggang bukas na susubukan ang lahat ng kanilang kakayahan bago malaman kung pasado ba silang makasali sa PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa …

Read More »

Aces, tatabla sa Hotshots

SUSUBOK ang Alaska na maitabla ang serye sa karibal na Magnolia ngayong krusyal na Game 4 sa 2018 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals sa Smart Araneta Coliseum. Magaganap ang kritikal na sagupaan sa 7:00 ng gabi kung kailan hangad ng Aces ang 2-2 tabla sa kanilang race-to-four series upang mapanatiling buhay ang pag-asang masung­kit ang titulo ng season-ending conference. Sasakay …

Read More »

Victolero, binira si Compton

DALAWAMPUNG taon na ang nakalilipas, sanggang- dikit sina Chito Victolero at Alex Comp­ton bilang backcourt duo ng Manila Metrostars sa noon ay Metropolitan Basketball Association (MBA). Ngayon, mahigpit na silang magkaribal bunsod ng umaati­kabong banggaan ng Magnolia at Alaska sa 2018 PBA Gover­nors’ Cup best-of-seven-Finals. Lalong uminit ang kanilang karibalan matapos ang Game 3 na binanatan ni Victolero ang kaibigan …

Read More »

Rubik’s Cube wizard Kinsey masisilayan sa Cavite Open

MASISILAYAN ang husay ng  self-taught PH Rubik’s Cube wizard na si Clarence Kinsey Galuno-Orozco  sa pag-arangkada ng Cavite Open 2018 sa 22 Disyembre na gaganapin sa Pagkalingawan’s Pavillion, F. Roman Street, Pagkalingawan’s Pavillion, Pinagtipunan sa General Trias City, Cavite na inorganisa nina Mr. Richard Espinosa at WCA (World Cube Association) delegate Mr. Bille Janssen Lagarde. “Speed cubing, as the practice …

Read More »

PH kompiyansa sa SEAG

30th Southeast Asian Games SEAG

TIWALA ang Filipinas na kaya nilang magtapos sa top three countries sa paparating na 30th Southeast Asian Games na dito gaganapin sa susunod na taon. Ito ay ayon kay Philippine delegation chef de mission Monsour del Rosario matapos ang ginanap na official SEA Games countdown sa Bayanihan Park sa Angeles City, Pampanga kamakalawa. Idiniin ni Del Rosario na ito ang makatarungang …

Read More »