Wednesday , May 29 2024
CHECKMATE ni Marlon Bernardino

Kamatyas

CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino

SA LARONG CHESS, ang salitang matyas ang ibig sabihin ay checkmate. Habang ang kamatyas ay pinatutungkulan ang mga ka-chessmate. Ang number 1 chess blogger ng Filipinas na si International Master Roderick Nava ay ika-apat na edition na inoorganisa ang Kamatyas Fide Rated Invitational Tournament na laging punong abala ang SM Sucat Building B sa Parañaque City. Si Mr. David Almirol, Jr., founder at CEO ng software engineering solutions provider Multisys Technologies Corp.,  ang nag-sponsor ng mga Kamatyas free registration at free food event.

Si International Master Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite ang nagtatangka na makopo ang ika-4 na titulo sa nasabing FIDE rated rapdi event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

Habang paborito rin sa nasabing chessfest ay sina 13th  time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., at Grandmaster Darwin Laylo habang isang magandang practice ito kay country’s official representative World Youngest Fide Master Alekhine “BBking” Fabiosa Nouri na kakatawanin ang bansa sa World Juniors Under 20 Chess Championships sa Sardinia, Italy sa 11-23 Oktubre 2022 at sa Leuven Open sa 11-13 Nobyembre 2022 sa Leuven, Belgium, ang inyong lingkod ang naatasang maging guardian coach ni FM Nouri.

Nananawagan ang inyong lingkod na sama-sama natin ipagdasal ang tagumpay ng Kamatyas chess event at ang nalalapit na European chess campaign namin ni FM Nouri.

Maraming maraming salamat kina National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay, Jr., NCFP CEO GM Jayson O. Gonzales, NCFP Vice President Sen. Manny Pacquiao, at NCFP official Rep. Neri Javier Colmenares sa pagsuporta sa amin ni FM Nouri.

About Marlon Bernardino

Check Also

Henry Roger Lopez Chess

Panabo Knights Chess Club nanguna sa ACAPI chess winners

MANILA — Inihayag ni ACAPI (Association of Chess Amateurs in the Philippines, Incorporated) President Arena …

Lala Sotto MTRCB

PVL ipinatawag ng MTRCB, code of ethics babalangkasin

SUPORTADO ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng …

Richard Villaseran Michael Jan Stephen Rosalem Iñigo

5 King’s Gambit Online Chess School bets kalipikado sa Palarong Pambansa

MANILA — Ipinakita ng King’s Gambit Online Chess School ni Coach Richard Villaseran kung bakit …

Benhur Abalos Hopeful Stakes Race bida si Amazing

Hopeful Stakes Race bida si Amazing

ni Marlon Bernardino NAGING sentro ng atraksiyon ang kabayong si Amazing matapos mamayagpag sa 2024 …

Sasabak sa SEABA qualifiers SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS UNDER-18 WOMENS BASKETBALL TEAM

Sasabak sa SEABA qualifiers
SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS  UNDER-18 WOMEN’S BASKETBALL TEAM

MANILA, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Pia Cayetano sa koponan ng Gilas Pilipinas …