Sunday , November 24 2024

News

Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin

BALIK-PELIKULA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso! Makakasama ni Mayor Isko ang isa sa mga sikat na aktor na si Coco Martin para sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Tampok ang dalawa sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na mapanonood ngayong Pasko. Ayon kay Moreno, gaga­nap siya bilang alkal­de sa naturang pelikula. Bagamat maikli ang role ay …

Read More »

Crackdown sa tibak base sa reklamo — Palasyo

WALANG nakikitang masama ang Palasyo sa isinasagawang “crack­down” ng mga awtoridad laban sa mga aktibista. “The government policy is always to investigate complaints on criminal activities and if they have evidence, then they will take actions,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Giit ni Panelo, kung may mga ebidensiyang nagpapakita na sangkot sila sa krimen, okey lang na manmanan ng …

Read More »

Abogado ni Joel Cruz nangamote sa ebidensiya, Kasong estafa vs Dupaya ibinasura ng piskalya

Kathy Dupaya Joel Cruz

HINDI sustenable ang ebidensiyang iniharap ng kampo ng tinaguriang ‘lord of scents’ na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn dela Cruz Dupaya kaya ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang kasong estafa laban sa huli. Sa resolusyong inilabas ng piskalya, isinaad na “The case lacks any evidence of any false pretense or fraudulent act of which …

Read More »

Para sa 2020… P17.8-B Manila executive budget aprobado na

INAPROBAHAN na ng Sangguniang Panglung­sod ang P17.8 bilyong executive budget sa taong 2020 para sa lungsod ng Maynila. Si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang tuma­yong  presiding officer sa Konseho na nanguna sa pagpasa sa nasabing pondo sa ika-33 regular session gayondin si Majority floor leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua. Makatutulong ang inilaang pondo para sa mga …

Read More »

8 pulis sa NCRPO huling natutulog ng Red Team surveillance group

WALONG pulis na nakatalaga sa mga lungsod ng  Makati, Caloocan, at Valenzuela ang nahuli sa aktong natutulog ng Red Team surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sinabi ni NCRPO director P/BGen. Debold Sinas, ang apat na pulis na nakatalaga sa Makati City, dalawa sa Caloocan City at dalawa rin sa …

Read More »

Hepe ng DTI Lab sa Cavite tulog sa oras ng trabaho

NAISPATANG natutulog kahit oras ng trabaho ang isang nagngangalang Jay (nasa cubicle) sa loob ng laboratory na nagsusuri ng mga produktong sumasailalim sa mandatory certification ng Department of Trade and Industry (DTI)M sa Dasmariñas, Cavite. Nauna na umanong inireklamo na kahit nasa laboratory premises ang ilang staff ay naglalaro lamang kahit office hours. Wala umanong biometric sa nasabing laboratory, kaya …

Read More »

Asin tax dapat asintado — Quimbo

KINUWESTIYON ni Marikina City (2nd Dist) Rep. Stella Luz Quimbo ang gustong mangyari ng Depar­tment of Health na patawan ng buwis ang asin bilang paraan sa pagkontrol ng non-communicable diseases o NCDs. “Sa panukalang ito, tamang pag-asin-ta ang tingin kong kailangan,” ani Quimbo. Ang NCDs ang leading cause of death sa Filipinas at sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization, 68% ng …

Read More »

Drug czar Leni tinanggap ng Palasyo

WELCOME back to the Cabinet. Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo  bilang drug czar ng administrasyon o Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang unang dapat gawin ni Robredo ay mag­tungo sa Palasyo upang makipagpulong para malaman ang kan­yang mga tungkulin bilang drug czar ng administrasyon. “I …

Read More »

12 tulak sa HVT list tiklo sa Candaba

shabu drug arrest

KALABOSO ang kinabag­sakan ng 12 hinihinalang notoryus na drug pushers na sinasabing high value target (HVT) drug per­sonalities sa talaan ng pulisya, nang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit, sa paki­kipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency – 3 (PDEA3), sa serye ng buy bust operations sa mag­kakahiwalay na lugar sa  bayan ng Candaba, lala­wigan ng …

Read More »

Labor leader itinumba sa Laguna (‘De facto martial law’ hirit ng militante)

ISANG lider manggagawa at coordinator ng Makabayan nitong nakaraang halalan, Mayo 2019 ang pinaslang sa lungsod ng Cabuyao, sa lalawigan ng Laguna nitong Lunes ng gabi, 5 No­byembre. Sa ulat mula sa Laguna police, naglalakad ang bikti­mang kinilalang si Reynaldo Mala­borbor, 61 anyos, kasama ang kaniyang asawa malapit sa kanilang tahanan sa Bgy. Banay-Banay nang barilin ng sus­pek mula sa …

Read More »

30 bakwit sa Cotabato naospital sa pagkain ng ulam na baboy

ISINUGOD sa pagamutan ang hindi bababa sa 30 internally displaced persons (IDPs) mula sa mga evacuation center ng bayan ng Malasila sa lalawigan ng Cotabato dahil sa pagsusuka at pagtatae. Ayon kay Cotabato Acting Vice Governor Shirlyn Macasarte, namumuno sa Incident Management Team (IMT), agad dinala ang mga bakwit sa kalapit na mga pagamutan upang malapatan ng lunas. Kinilala ang …

Read More »

Tulak bulagta sa shootout, 11 pa arestado

dead gun police

PATAY ang isang notoryus na tulak sa enku­wentrong naganap sa pagitan ng pulisya sa Bgy. Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan kahapon, 5 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang napatay na drug suspect na si Allen Omila, 42 anyos, may asawa, at residente sa Seminary Road, Bgy. Bahay Toro, lungsod Quezon. Sa ulat …

Read More »

Amendments sa budget isapubliko sa websites

DAPAT isapubliko ng mga mambabatas ang kanilang isinusulong na amendments sa pambansang badyet para sa susunod na taon, sa pamamagitan ng kanilang websites. Ito ang naging hamon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga kasamahan sa lehislatura upang tiyaking walang ‘pork’ ang mga pondong nakapaloob sa 2020 national budget. Sa pagbubunyag ng senador, nakaugalian na ng ilang mambabatas na ibulong …

Read More »

Buwelta sa kritiko: Tumulong kaysa dumakdak — Go

“NAG-AAKSAYA lang kayo ng  laway, hindi pa kayo nakatutulong.” Ito ang buwelta ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga buma­batikos sa gobyerno at sa ginagawang  relief effort sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Sinabi ni  Go, mas mabuting tumulong lahat kaysa puro batikos dahil maraming kababayan ang naghihirap at mapa­pabilis ang pagtulong kung magkaisa kaysa puro dakdak. Ayon kay …

Read More »

‘Shabu-silog’ nabuko sa dalaw

BUKING ang ipupuslit na shabu na inihalo sa ‘hotsilog’  ng isang  27-anyos babae bilang pasalubong sa dadalawin niyang kaibigang naka­ku­long nang dumaan sa inspeksiyon ng mga awtoridad sa Fairview Police Station (PS5) sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) ni P/Lt. Col. Rosendo Magsipoc, hepe ng Fairview Police Station (PS5), ang  …

Read More »

Digong hiniling mamagitan… Sabotahe duda sa Iloilo blackout

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mama­mayan ng Panay upang alamin ang totoong kaganapan sa serye ng mga blackout sa nasabing lugar makaraang lumu­tang ang mga espeku­lasyon na ang nasabing power outage ay ‘pinag­planohan’ at sinabotahe. Ayon sa mga residente, sakaling totoo ang duda na ang Iloilo blackout ay sinabotahe, kailangang papanagutin ng Pangulong Duterte kung sinoman ang may …

Read More »

Drug czar ipinasa ni Digong kay Leni

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar o co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, cabinet rank ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte kay Robredo pero wala pang sagot ang bise- presidente kung tinatanggap ang bagong posisyon sa administrasyon. Inatasan ng Pangulo ang Philippine Drug Enforcement …

Read More »

Hamon ng Palasyo: P20-B parked funds patunayan ni Ping

HINAMON ng Palasyo si Sen. Pan­filo Lacson na tukuyin ang P20-B parked funds sa panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget. Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag naituro ni Lacson ang tinagurian niyang P20 bilyong “parked funds” para sa Department of Public Wo4ks and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG), ta­tang­galin ito ni Pangu­long Rodrigo …

Read More »

Bebot na tulog binoga sa loob ng bahay, patay

gun dead

HINDI na nagising ang isang 38-anyos babae makaraang barilin nang hindi nakilalang gunman habang nasa mahimbing na pagtulog sa tinu­tuluyang unit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Police District(MPD) Director P/BGen. Bernabe Balba, kinilala ang biktimang si Maela Prisno, may live-in partnr, taga-314 Blk.15-A Baseco Compound. Sa imbesti­ga­syon ni P/Capt. Henry …

Read More »

Isko nasa S. Korea para sa climate at air quality

LUMIPAD kahapon ng umaga, Linggo patu­ngong Seoul, South Korea upang dumalo sa dala­wang araw na conference kaugnay sa climate and air quality si Manila Mayor  Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang pagdalo ng alkalde, kasunod ng imbitasyon ni dating United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon. Magsasalita ngayong umaga ang alkalde sa International Forum on Air and Climate Change ng National …

Read More »

22 katao patay sa serye ng lindol sa Mindanao

earthquake lindol

HINDI bababa sa 22 katao ang namatay sa serye ng malalakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao mula noong huling bahagi ng Oktubre, ayon sa National Disaster Risk Reduction Manage­ment Council. Ayon sa ulat ng NDRRMC, 16 katao ang namatay sa lalawigan ng Cotabato, kung saan naitala ang epicenter ng magnitude 6.6 …

Read More »

Tserman, batugan ka! — Isko

“BATUGAN ka! Kung hindi ka batugan, namo­molitiko ka!” Ito ang tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco  ”Isko Moreno” Domagoso sa kanyang capital report kaugnay sa mga barangay chairman na pasaway. Partikular na tinukoy ng alkalde si Chairman Raul Marasigan ng Barangay 628 Zone 63 sakop ng Sta. Mesa, Maynila matapos siyang i-report ng netizen kaug­nay sa tambak na debris sa …

Read More »

ASEAN dapat magkaisa (Hindi China o US) — Duterte

NANAWAGAN si Pangu­long Rodrigo sa mga lider ng mga ban­sang kasapi ng As­sociation of Southeast Asian Nations (Asean) na huwag pumili o mapilitang mamili kung sino sa China o Amerika ang kakam­pihan. Sa kanyang talum­pati sa 35th Asean Sum­mit Plenary sa Thailand kamakalawa ng gabi, tinukoy ni Pangulong Duterte bilang “stra­tegic mistake” ng mga sinundan niyang mga administrasyon ang pagkiling …

Read More »

Umawat sa away… SK kagawad binurdahan ng saksak ng mananahi

MALUBHANG nasugatan ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK)  makaraang saksakin ng basag na bote habang umaawat sa away ng kanyang mga kapitbahay sa Project 4, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, P/Col. Ronnie S Montejo mula kay P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima …

Read More »

19 patay, 22 sugatan sa truck na nahulog sa bangin sa Apayao (Kumuha ng binhi at tulong)

road accident

IMBES karagdagang kabu­hayan, sariling buhay ang ibinuwis ng 19 katao kabi­lang ang ilang senior citizens, nang mahulog ang sinasakyan nilang Elf truck sa isang bangin sa bayan ng Conner, lalawigan ng Apayao dakong 7:00 pm nitong nakaraang Huwe­bes, bisperas ng Undas, 31 Oktubre. Nabatid sa mga imbes­tigador, sugatan ang 22 iba pang pasahero ng nabang­git na truck. Kinilala ang mga …

Read More »