Wednesday , June 19 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Gob. Fernando lumagda sa kasunduan laban sa anti-illegal recruitment at human trafficking

LUMAGDA si Gob. Daniel Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos, nitong Biyernes, 19 Marso.

Laman ng nasabing kasunduan ang 1) Pinalakas na mga AIRTIP seminar; 2) Pagbuo ng technical working group; 3) Pagtatalaga ng OFW Help Desk sa bawat bayan sa ilalim ng kani-kanilang Public Employment Service Office; at 4) Pagkakaroon ng pinagsama-samang programa mula sa DOLE, OWWA at TESDA sa bawat bayan sa pamamagitan ng one-stop shop desk.

“We take AIRTIP seriously. Maliban sa pagbababa ng mga seminar, nais po nating tiyakin na AIRTIP free ang Bulacan, na walang Bulakenyong maloloko ng mga illegal recruiter,” ani Fernando.

Bago nito, ginanap rin ang Araw ng Parangal ng Regional Marilag Awards 2021 para sa Region 3 na pinarangalan sina Elizabeth Paglinawan mula sa Mariveles, Bataan; Lolita Gattuc mula sa Tarlac, at Priscilla Cruz mula sa Norzagaray, Bulacan para sa kategoryang Woman Who Inspires, Woman Who Empowers at Woman Who Makes Change ayon sa pagkakasunud-sunod at tumanggap ng plake ng pagkilala at perang insentibo mula sa gobernador.

“Nasaksihan din natin kung paano nagsakripisyo ang mga babaeng Filipino sa pagtugon sa suliraning dala ng CoVid-19, ang mga frontliner para sa maagap na serbisyo sa mga mamamayan, maging sa ibang bansa. Kami po ay sumasaludo sa inyong mga kababahihan, patuloy sana kayong magbigay ng inspirasyon sa ating mga kapwa Filipino,” anang gobernador.

Bukod dito, ipinamahagi din ng OWWA ang tseke na nagkakahalaga ng P250,000, gamit na pangnegosyo sa OFW Family Circle Brgy. Longos, Lungsod ng Malolos, Bulacan sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong PUSO).

Gayondin, tumanggap ng tseke na may magkakaibang halaga ang iba pang mga benepisaryo kabilang ang 44 katao para sa Balik Pinas! Balik Hanapbuhay! Program; 24 para sa Tabang OFW; pito para sa OWWA scholarship; lima para sa OWWA bereavement/medical assistance; at dalawa para sa Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir’ (SPIMS).

Nagpasalamat din si OWWA Deputy Administrator for Reintegration Faustino Sabares III sa pagtanggap ni Fernando sa kanyang hiling na sa Bulacan ganapin ang parangal sa pagsuporta sa proyektong Balay OFW.

Nagkaloob si Gob., bahagi ng lupang pagmamay-ari ng kanyang pamilya, na magbibigay ng pagkakataon sa mga OFW na magkaroon ng sariling bahay.

Samantala, kinilala ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ang mga Dakilang Filipina para sa kategoryang PESO Manager sina Emelita San Agustin mula sa Guiguinto; Laarni de Leon ng Bustos; Maricris Co mula sa Calumpit; Josefina Geslani mula sa Lungsod ng Meycauayan; Miriam Balboa ng Marilao; Alma Buhain ng Plaridel; Regina Go mula sa Pulilan at Elvie Cruz ng Santa Maria habang kinilala rin si Vilma Santos ng Balagtas para sa kategoryang OFW Family Circle President.

Lahat sila ay tumanggap ng plake ng pagkilala at perang insentibo.

Ibinibigay ang Marilag Award upang bigyang pagkilala ang mga tagumpay at natatanging nagawa ng mga kababaihang manggagawang migrante at babaeng kawani ng OWWA.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong …

Lito Lapid

Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *