Monday , October 14 2024

Duterte ayaw paawat sa Presidential events (CoVid-19 kalat na sa gov’t execs and employees)

WALANG balak ang Palasyo na kanselahin ang mga nakatakdang pag­dalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahit ilang empleyado at opisyal ng Malacañang ang nagpositibo sa CoVid-19.

Katuwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, mababa ang CoVid-19 cases sa mga lugar na pinupuntahan ng Pangulo at nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

“Si Presidente naman mayroon siyang lakad today and tomorrow, itutuloy po iyan kasi iyong lakad naman niya ay sa area na mababa po ang CoVid ‘no, mga MGCQ areas,” ani Roque sa virtual Palace press briefing.

Kinompirma kama­kalawa ni Roque na nagpositibo siya sa CoVid-19 at kasaluku­yang nasa isang quarantine facility sa San Juan City.

Aniya, pinapayagang manatili sa quarantine facility na government-accredited ang mga indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19 at may ilang opisyal ng gobyerno na kasama niya sa naturang pasilidad.

Kabilang sa mga nasa quarantine facility ang isang newscaster/anchor ng state-run People’s Television Network (PTV), dalawang kawani mula sa Media Accreditation and Relations Office (MARO) ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), isang Director mula sa tanggapan ni Roque mula sa PCOO at isang undersecretary mula sa isang kagawaran.

“That [isolating at home] is possible because I noticed that I am asymptomatic and people here have symptoms. I would be conferring with my doctor if I would be better off staying here or going home,” sabi ni Roque.

Nabatid na ilang nagpositibong empleyado ng Malacañang ay nakuha ang virus sa pagdalo sa ilang presidential events at pagtitipon ng mga opisyal ng gobyerno.

Matatandaan noong nakalipas na Disyembre, isang empleyado ng PTV ang namatay sa CoVid-19 matapos magtungo sa Davao City para sa soft opening ng Mindanao hub ng PCOO na pinangu­nahan ni Secretary Martin Andanar.

Napaulat ang workplace transmission sa PTV at maraming kawani ang nagpositibo sa CoVid-19 hanggang sa ngayon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *