Thursday , January 20 2022

Munti City Council nagpasa ng reso para sa DOJ, BuCor (Kalsada pinabubuksan)

INAPROBAHAN ng Muntinlupa City Council ang resolusyon na humihiling sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng order ang Bureau of Corrections (BuCor) para sa muling pagbubukas ng kalsada mula at patungo sa Southville 3 sa Brgy. Poblacion sa Muntinlupa City.

Kasunod ito ng isinagawang pagsasara ng pamunuan ng BuCor sa New Bilibid Prison (NBP) Road, ang daanan ng mga residente papasok sa Muntinlupa na matatagpuan sa loob ng NBP Reservation sa lungsod.

Hiniling ng Barangay City Council ang pagbubukas ng kalsada patungo at mula sa NHA, Southville 3 sa Brgy. Poblacion, isa sa pangunahing naapektohan ng pagsasara sa nasabing kalye dahil ito lamang ang pinakamalapit na daan papasok sa kanilang mga trabaho.

Natigil umano ang konstruksiyon ng pagtatayo ng bakod nang makausap ni Rep. Rufino Biazon, ang pamunuan ng BuCor at nagsagawa ng imbestigasyon sa tulong ng legislative staff kaugnay ng pagsasara ng daan patungo at mula sa Southville 3.

Hinihintay ng mga residente at ng Muntinlupa City government ang tugon ng DOJ sa resolusyon kaug­nay ng kanilang kahilingan na mag­labas ng bagong order sa muling pag­bubu­kas ng daanan mula Southville 3 papasok sa lung­sod ng Muntin­lupa.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Covid-19 positive

34 med staff sa Bulacan positibo sa Covid-19

NASURING positibo sa SARS-COV-2 ang hindi bababa sa 34 medical staff ng COVID-19 facility sa …

Covid-19 Kamara Congress Money

Sesyon suspendido dahil sa pagtaas ng covid-19 cases

SINUSPENDE ni House speaker Lord Allan Velasco ang sesyon ng Kamara dahil sa dumaraming kaso …

Senate Philippines

Total lockdown sa Senate Bldg. pinalawig pa

PINALAWIG pa ang naunang pagsasara o total lockdown ng mismong gusali ng senado na nasgimula …

Menardo Guevarra DOJ BuCor

Nagsumbong sa Malacañang
GUEVARRA DESMAYADO SA KARAHASAN SA BUCOR

MATAGAL nang desmayado si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga karahasang nagaganap sa Bureau of …

011922 Hataw Frontpage

Obrero lusot sa ‘no vax, no ride policy’

ni ROSE NOVENARIO MATAPOS maperhuwisyo ang daan-daang manggagawa na hindi pinayagan sumakay ng mga awtoridad …

Leave a Reply