Thursday , June 4 2026
NATAGPUANG patay ang sinabing quarry caretaker na kinilalang si Henie Maalat, Sr., 49 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa lungsod ng Bago, Negros Occidental, sa loob ng pick-up na Nissan Frontier, may plakang FGW 297, nakarehistro sa isang Atty. Rosselier “Jack” Robles Maalat, residente sa Burgos Extension, Reclamation Area, Bacolod City, may permiso sa operasyon ng quarry. (Grab mula sa RAM Radio 98.5 GM Facebook post)

Quarry caretaker natagpuang patay sa loob ng sasakyan (Sa Negros Occidental)

MISTERYO pa rin hanggang sa kasalukuyan para sa Bago City Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental ang pagkamatay ng isang negosyanteng tinukoy na caretaker ng quarry, binaril sa naturang lungsod nitong Martes, 16 Marso.

Natagpuan ang bikti­mang kinilalang si Henie Maalat, Sr., 49 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa lungsod ng Bago, na walang buhay sa loob ng kanyang pick-up truck na nakaparada sa tabing kalsada sa Purok Valero, Brgy. Ma-ao dakong 3:40 pm, kama­kalawa.

Ayon kay P/Maj. John Joel Batusbatusan, hepe ng Bago City police, may mga residenteng tuma­wag sa kanilang himpilan, nang makita ang kotseng nakaparada nang mahigit isang oras na gumagana ang makina, at may tama ng bala ng baril sa bintana.

Ani Batusbatusan, lumalabas sa paunang imbestigasyon na pauwi ang biktima sa kanyang bahay mula sa pagde-deliver ng petroloyo para sa mga sasakyan at mga equipment sa kanilang quarry site.

Dagdag niya, kinokompleto na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang kanilang pagsisiyasat upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Sa kaugnay na ulat, nabatid na ang Nissan Frontier, may plakang FGW 297 ay nakarehistro sa isang Atty. Rosselier “Jack” Robles Maalat, residente sa Burgos Extension, Reclamation Area, Bacolod City, may permiso sa operasyon ng quarry.

Si Atty. Maalat ay dating nagsilbing Director ng CENECO.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …