Thursday , June 4 2026

‘Border control’ sa loob ng 14 araw (Sa NCR, Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal, simula ngayon)

MAGPAPATUPAD ang pamahalaan ng dalawang linggong mahigpit na border control o ibayong restriksyon sa pagpasok at paglabas sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (CoVid-19) simula ngayon hanggang 4 Abril.

Nakasaad ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases Resolution No. 104 na inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na virtual press briefing kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang naturang limang lugar ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ).

“Unang-una po, bawal po ang pagbibiyahe papunta sa Metro Manila at mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at bawal din po lumabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal. Magkakaroon po tayo ng parang ‘bubble’ dito,” aniya.

Tanging essential travels ang papayagan sa mga nasabing lugar ngunit mananatiling operational ang public transportation na may limitadong kapasidad.

Lahat ng mass gatherings, kasama ang religious gatherings ay ipinagbabawal at “highly discouraged” ang pagsasagawa ng face-to-face meeting.

Limitado sa 10 katao ang puwedeng dumalo sa kasalan, binyagan at libing.

“The private sector is enjoined to adopt similar alternative arrangements as those already in place in the executive branch of government, i.e. 30-50 percent operational or on-site capacity,” atas sa resolusyon.

“Dine-in restaurants, cafes and establishments shall be limited to delivery, take-out, and any outdoor or al fresco dining shall be allowed, provided that additional engineering and administrative controls are put in place.

“Visiting persons outside their immediate family or other households is strongly discouraged.”

Ipinayo ng IATF ang pagsusuot ng mask ng mga nakatatanda at mga maysakit at iba pang kasama nila sa bahay.

Ipatutupad ang curfew mula 10:00 pm hanggang 5:00 am sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng GCQ, at hindi pa rin maaaring lumabas ng bahay ang edad 18-anyos pababa at 65-anyos pataas.

Mula noong Biyernes hanggang kahapon ay pumalo sa mahigit 7,000 ang CoVid-19 active cases sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …