Thursday , June 4 2026
QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas sa pamamagitan ng pagpipiyansa, ang Quezon City Police District (QCPD) ay magsusumite ng panukala upang amyendahan ang mga batas laban rito.

Sa isang press conference sa Camp Karingal, binigyang-diin ni Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang pangangailangang matugunan ang problema sa mga suspek na kahit maraming beses nang naaresto ay nakababalik pa rin sa lansangan para muling managasa.

Ayon kay PBGen. Silvio, sa mahigit 12,000 na naaresto ng QCPD noong 2025, 60 porsiyento ay repeat offenders.

Isa sa mga inihalimbawa ni PBGen. Silvio, ang isang 27-anyos suspek na kinilalang si alyas Eugene, na drayber ng getaway motorcycle sa isang ‘basag-kotse’ incident nitong 25 Pebrero.

Sa rekord ng pulisya, 24 beses nang nadadakip, kung saan 18 dito ay kaso ng pagnanakaw (Theft). Nadakip din ang mga kasabwat ni Eugene na sina Jhon Allen, Jaymark, at Genel noong 2 at 3 Marso. Sila ay magkakasama sa isang compound sa Tondo, Maynila.

Nabawi sa kanila ang mga gamit na nagkakahalaga ng P75,000.

Ayon kay PBGen. Silvio, kasalukuyan nang bumubuo ng datos ang QCPD para sa isang proposed letter na layong higpitan ang batas sa pagpipiyansa ng mga madalas mahuli at ito ay kanya rin isusumite sa National Capital Regional Police Office. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …