Thursday , June 4 2026
arrest prison

Misis pinana ex-convict na mister arestado

NAHAHARAP sa sapin-saping kaso ang isang mister matapos ireklamo ng pagmaltrato sa kanyang asawa na muntik na niyang patayin habang lango sa alak sa kanilang bahay sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 16 Marso.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Avelino Protacio, hepe ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kinilala ang ang arestadong suspek na si Edgardo Lakandula, isang ex-convict sa kasong Robbery at residente sa Brgy. FVR, sa nasabing bayan.

Nahaharap si Lakan­dula sa kasong Attempted Parricide na may kaugnayan sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children), BP 6 (Concealing Deadly Weapon) at paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act).

Ayon sa ulat, habang kargado ng alak at lasing na lasing ay kinuha ng suspek ang kanyang tirador at balang palaso, saka iniumang at iniulos sa kanyang misis na sa kabutihang palad ay nagmintis at tumama sa pader.

Nagmamadaling naka­labas ng bahay ang misis at nakahingi ng saklolo sa mga awtoridad na dagliang nagresponde na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Matapos maaresto, nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang limang matutulis na pana, kitchen knife, at dalawang sachets ng hinihinalang shabu.

Napag-alamang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na pinana ng suspek ang kanyang maybahay kundi malimit gawin kapag nalalasing.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …