Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

6 arestado sa shabu sa Kankaloo

ANIM katao ang inaresto, pawang hinihinalang mga tulak at gumagamit ng shabu kabilang ang isang company messenger at dalawang babae na naaktohan ng mga nagrespondeng pulis habang nakikipag­transaksiyon ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Navelle Tanjuan, 31 anyos; Mandel Cuenca, 34 anyos; Arwin Gallardo, 36, company messenger; Joseph Aninon, 30; Girlie Cruz, 31; at Ronaldo Razon, 37 anyos, pawang residente sa Barangay 28 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Caloocan City  Police chief, Col. Samuel Mina, Jr., dakong 8:05 pm nang makatanggap ng tawag sa telepono ang duty desk officer ng Tuna Police Sub-Station 1 mula sa concerned citizen at ipanalam ang hinggil sa nagaganap na transaksiyon ng ilegal na droga sa Block 18, Talaba Alley, Brgy. 28.

Agad nagresponde ang mga pulis sa naturang lugar upang alamin ang naturang ulat at doon naaktohan ang apat na lalaki at dalawang babae na nagpapalitan ng isang maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu dahilan upang arestohin ang mga suspek.

Nakuha kay Tanjuan at Gallardo ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga bawat isa, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga ang nakuha kay Cuenca; tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P17,000 ang halaga ng nasamsam kay Cruz at Aninom; habang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa 12 gramo at tinatayang nasa P81,000 ang halaga ng mga nakompiska kay Razon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …