“NAKALULUNGKOT dahil dumaraan tayo sa pandemya, sinasabayan naman ng ilang kababayan ang pagpapakalat at pagbebenta ng droga sa ating mga kababayan,” ito ang bungad ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan, kahapon ng umaga. Kaugnay ito ng P16.6 milyon halaga ng ilegal na drogang nakompiska ng mga awtoridad sa apat na hinihinalang big time drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust …
Read More »Palengke sa Alfonso, Cavite tuluyang inabo ng apoy (Halos apat na oras nagliyab)
TINUPOK ng sunog na tumagal ng tatlo at kalahating oras ang isang pampublikong pamilihan sa Barangay Luksuhin Ibaba, sa bayan ng Alfonso, lalawigan ng Cavite, noong Sabado ng gabi, 13 Hunyo. Walang naiulat na namatay sa sunog sa palengke na nagsimula dakong 9:00 pm noong Sabado, na tuluyang naapula dakong 12:29 am kahapon, Linggo, 14 Hunyo. Ayon sa Alfonso police, …
Read More »3-anyos totoy, naligis todas sa dump truck
BINAWIAN ng buhay ang isang tatlong-gulang na batang lalaki nang masagasaan ng dump truck na may lamang graba at buhangin sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay Rizal, lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela, noong Sabado, 13 Hunyo. Ayon sa Cauayan police, binabagtas ng drump truck na minamaneho ng driver na kinilalang si Michael Mangaoang, ang pabulusok na daan patungong …
Read More »FB page ng Lucban-PNP tinanggal (Sa kontrobersiyal na ‘dress code’ post)
HINDI na makita ang opisyal na Facebook page ng Lucban Municipal Police Office nitong Linggo ng umaga, 14 Hunyo, kasunod ng kontrobersiyal na post na nagsasabing hindi dapat magsuot ng maiikling damit ang mga kababaihan para hindi mabastos o hindi magahasa. Sa kanilang viral post na may petsang 11 Hunyo, pinaalalahanan ng Lucban Municipal Police Office sa lalawigan ng Quezon, …
Read More »4 adik sa Mandaluyong timbog sa pot session (GCQ binalewala)
ARESTADO ang apat kataong huli sa aktong sumisinghot ng ilegal na droga sa isang pot session kahapon ng madaling araw, 14 Hunyo, sa lungsod ng Mandaluyong. Kinilala ng Mandaluyong PNP ang apat na nadakip na sina Carlos Roberto, 52 anyos; Reynald Circulado, 26 anyos; Roel Jingco, 53 anyos; at Irish Capapas, 43; pawang mga residente sa Coronado St., Barangay Hulo, …
Read More »Face-to-face classes sa Maynila, ‘di aprub kay Isko
HINDI pahihintulutan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang “face-to-face” classes at mga pagsusulit sa paaralan o unibersidad sa lungsod batay sa patakaran na isinaad ng Inter Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Sinabi ni Mayor Isko, ang naturang pahayag makaraang makatanggap ng mga …
Read More »Balik-ECQ sa MM, fake news — DILG
‘FAKE NEWS’ ang balitang kumakalat ngayon sa social media na muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila matapos ang 15 Hunyo. Ito ang paglilinaw ni Department of Interior and Local Governmwnt (DILG) Sec. Eduardo Año, na siyang vice chairperson ng National Task Force Against COVID-19, kasabay ng pagsasabing walang katotohanan ang ulat. Sa 15 Hunyo (ngayong arw) …
Read More »Buwis sa online selling wrong timing — Gatchalian
“WRONG timing.” Ito ang tahasang reaksiyon ni Senador Win Gatchalian sa panukalang buwisan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online selling businesses. Ayon kay Gatchalian maganda ang panukalang pagbubuwis ngunit hindi sana ngayong mayroong pandemya. Binigyang-linaw ni Gatchalian na kung kaya lumawak ang online business ay dahil sa pagnanais ng mga kababayan nating magkaroon ng kita para mabuhay ang …
Read More »Sen. Ping magmamartsa sasama sa protesta (Anti-Terrorism Law kapag inabuso)
KUNG mapanuri na siya noong tinatalakay pa lamang sa kanyang komite sa Senado, mas maigting na pagbabantay ang gagawin ni Senador Panfilo Lacson oras na maging batas na ang Anti-Terrorism Act of 2020. Tiniyak ito ni Lacson bilang tugon sa mga nagpapahayag ng pagkabahala at pagkatakot sa magiging uri ng pagpapatupad ng mga awtoridad oras na ganap nang maging batas ang …
Read More »Anti-Terror bill naramdaman’ ng 2 negosyanteng Muslim — Hataman (Sa Araw ng Kalayaan)
MATINDING pangamba sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ang ipinahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman matapos arestohin ang dalawang negosyanteng Muslim kahit walang arrest warrant. Ayon kay Hataman, ang Anti-terror Bill kapag naging batas ay madaling abusohin ng mga awtoridad. Kaugnay nito kinondena ng Basilan representative na si Hataman ang pag-aresto sa dalawang Muslim na negosyante sa San Andres, Maynila at …
Read More »Gambol ni Digong (Desisyon ngayon)
ITINUTURING ng Malacañang na ‘gamble’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilalahad na desisyon ngayon sa magiging kapalaran ng Metro Manila at Metro Cebu sa mga susunod na araw kasunod ng paglobo ng bilang ng mga nagposistibo sa coronovirus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa pagpapasya ay hindi lamang ibinabatay ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency …
Read More »Huling quarantine facility sa Maynila binuksan ni Isko
IPINASA na at ipinaubaya ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinakahuling quarantine facility na ipinatayo ng lokal na pamahalaang Maynila sa Tondo. Ayon kay Mayor Isko, ang Gregorio del Pilar Elementary School sa Tondo ay may kabuuang 48 kama bilang karagdagan sa mahigit 250-kamang quarantine facility na nabuo ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Nabatid, ang Gregorio …
Read More »Marinerang Pinay nagpatiwakal sa loob ng cabin (Habang naghihintay ng repatriation flight)
KINOMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na isang Filipina seafarer ang nagpakamatay habang naghihintay ng repatriation flight. Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na isang 28-anyos marinera ang nagkitil ng sariling buhas sa kanyang cabin habang stranded sa barko. Sinasabing hindi nakauwi agad sa Filipinas ang Pinay crew member dahil sa suspensiyon ng gobyerno sa pagpapabalik …
Read More »Senglot na parak na pumatay ng aso wanted
IMBES makipagharap sa barangay, naglahong parang bula ang lasing na pulis na itinurong bumaril sa isang aso na inakusahang kumagat sa kanya, sa Sampaloc, Maynila. Hanggang sampahan ng kaso ng tagapag-alaga ng aso na si Rene Timbol ay hindi pa rin sumipot ang suspek na pulis na kinilalang si Mark Lyndon de Ocampo, sinabing nakatalaga sa Philippine National Police …
Read More »Mayor Isko pabor sa jeepneys para makabiyahe na
PABOR si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na payagan nang makapagbiyahe ang mga tradisyonal na jeepneys. Makatitiyak aniya ang mga tsuper na kung tatanungin siya sa kanyang posisyon sa isyu ng jeepneys ay positibo ang kanyang magiging kasagutan. Ayon kay Mayor Isko, bilang dating trike driver, alam niya ang gutom na inabot ng maraming drivers sa nagdaang tatlong …
Read More »Buwis sa online seller, aprobado sa palasyo
SUPORTADO ng Palasyo ang direktiba ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat magparehistro ang mga online seller at magbayad ng buwis ang mga kumikita ng P250,000 pataas kada taon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mahalagang makakalap ng pondo ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng bansa sa gitna ng pandemyang COVID-19. “Well, ang pinagkukunan lang naman …
Read More »Barangay sa Pasay City sinisi sa pagkamatay ng stranded na ginang
SINISI ng Malacañang ang pagsasawalang bahala ng mga opisyal ng barangay sa Pasay City sa pagkamatay ng 33-anyos ginang sa footbridge habang naghihintay ng biyahe pauwi sa Camarines Sur. Ikinalungkot ng Palasyo ang sinapit ni Michelle Silvertino na dobleng kasawian ang sinapit habang naghihintay na makasakay ng bus pauwi sa kanyang pamilya sa Calabanga, Camarines Sur. Nabatid na …
Read More »Miserableng lagay ng OFWs, ‘itinatwa’ ng Palasyo
ITINATWA ng Palasyo ang nag-trending na video ng may 200 stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa social media, na ilang araw nang pagod, puyat at gutom habang nananatili sa ilalim ng Skyway malapit sa NAIA sa pag-asang makasakay ng eroplano pabalik sa lalawigan. “lilinawin ko lang: VIP treatment talaga ang mga OFW. Wala pong natulog sa ilalim ng …
Read More »Ultimatum ng IATF StaySafe ph database isuko sa DOH
BINIGYAN ng 30-araw na ultimatum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang contact tracing app developer MultiSys Technologies Corp., para isuko ang lahat ng nakalap na datos ng Staysafe.ph sa Department of Health (DOH) Nakasaad ito sa IATF Resolution No. 45 na inilabas ng Malacañang kahapon. Ang contact tracing app ay gagamitin sa paghahanap ng mga taong …
Read More »Korupsiyon sa DPWH project, isinumbong kay Duterte
ISINUMBONG kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y korupsiyong nagaganap sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bansa. Sa dalawang pahinang liham na ipinadala sa Office of the President sa Malacañan Palace sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila, inakusahan ng isang Marilou So, isang taxpayer mula sa Tagum, Davao City, at contractor ng Caanast Construction, …
Read More »Meralco puwedeng i-takeover ng gov’t
IPINAALALA ng isang kongresista sa Meralco na maaaring mag-takeover ang gobyerno sa kanilang operayson batay sa isinasaad sa prankisa nito. Ayon kay Aklan 2nd district Rep. Teodorico Haresco, Jr., may probisyon sa prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) na pinapayagan ang gobyerno na mag-takeover sa distribusyon ng koryente. Ginawa ni Haresco ang paaalala noong Martes sa pagdinig ng House committee …
Read More »‘StaySafe.ph app ‘di kayang tumukoy ng apektadong COVID-19 (More deaths and economic damage – IT expert)
NANGANGAMBA ang isang dating opisyal ng administrasyong Duterte na puwedeng lumala ang coronavirus disease (COVID-19) at lalong malugmok ang ekonomiya ng bansa na mahihirapang bumangon sa loob ng maraming taon kapag iniasa sa iisang contact tracing app ang pagkontrol sa pandemya. “Last Sunday, June 7, I have to break my silence to reach out to the IATF that if they …
Read More »Cebu COVID-19 patient tumalon sa bintana ng ospital patay agad
AGAD binawian ng buhay ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19 matapos tumalon mula sa bintana sa ikatlong palapag ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa lungsod ng Cebu, 8:20 am kahapon, Martes, 9 Hunyo. Walang pang detalyeng inilalabas ang mga awtoridad bukod sa ang pasyente ay isang 48-anyos lalaking nauna nang dinala sa VSMMC matapos magpositibo sa coronavirus …
Read More »Digital technology sa DepEd isinusulong
HABANG naghahanda ang sektor ng edukasyon sa tinaguriang ‘new normal’ isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas malawakang paggamit ng Department of Education (DepEd) ng digital technology upang gawing mas mabisa at mabilis ang mga serbisyo at sistema ng kagawaran. Layon na mapabilis ng makabagong teknolohiya ang mga proseso tulad ng enrolment, payment services, pagsusumite ng mga grado, at …
Read More »Staysafe.ph ‘unsafe’ sa gera vs Covid-19 (Privacy protocols, contact tracing mahina)
WALANG kahihinatnan ang pag-alma ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT ) Undersecretary Eliseo Rio, Jr., laban sa inaprobahang contact tracing app ng administrasyong Duterte dahil wala na siya sa puwesto. Ibinunyag kamakalawa ni Rio na ang pagkuwestiyon niya sa kapabilidad ng StaySafe.ph bilang official contact tracing app ang dahilan nang pagsibak sa kanya sa puwesto. …
Read More »