Friday , January 28 2022
road traffic accident

Rider sumalpok sa truck patay (Driver tumakas)

PATAY ang isang rider nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Amhangel Yaris, 33 anyos,  residente sa Sto. Domingo, Quezon City sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Dino Supolmo, may hawak ng kaso kay Caloocan City chief of police, Col. Samuel Mina, dakong 2:45 am mabilis na tinatahak ng biktima sakay ng kanyang Yamaha Aerox motorcycle, ang kahabaan ng 10th Avenue patungo sa gawi ng A. Bonifacio habang tumatahak sa 5th St., ang trailer truck galing sa C-5 Road patungong EDSA.

Pagsapit sa kanto ng 10th Avenue at 5th Street, sumalpok ang biktima sa kaliwang bahagi ng trailer truck na naging dahilan upang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at bumagsak sa sementadong lansangan.

Imbes huminto para tulungan ang biktima, mabilis na pinaharurot ng driver ng trailer truck ang minamanehong sasakyan patungong EDSA hanggang tuluyang maglaho sa paningin ng ilang mga nakasaksi.

Iniutos na ni Col. Mina ang pagsusuri sa mga nakakabit na close circuit television (CCTV) camera sa lugar na posibleng nakahagip sa insidente upang matukoy ang plate number ng sasakyang nakasalpukan ng namatay na biktima. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Leave a Reply