Thursday , October 21 2021

Krisis sa edukasyon kinilala ng solon

UPANG magkaroon ng mas malakas at iisang solusyon upang resolbahin ang krisis sa edukasyon na isa sa lubhang naapektohan ng pandemya, hinimok ni Senator Joel Villanueva na magkaroon ng mas masinop na kooperasyon ang tatlong ahensiya ng kagawaran.
 
Ani Villanueva, kailangan ng isang malinaw na estratehiya kung paano tutugunan ng Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority, at Commission on Higher Education ang mga problema dulot ng pandemya na nakaapekto sa pagbaba ng kalidad ng mga graduate sa lahat ng antas.
 
Kailangan magtulungan ang DepEd, TESDA, at CHED gaya sa isang paaralan na may tatlong campus.
Hindi ninais ng policymakers ang pagtatatag ng mga naturang ahensiya bilang ‘tatlong magkakahiwalay na republika.’
 
Ayon kay Villanueva, ang pagkakatatag ng tatlong ahensiya para sa sektor ng edukasyon o “trifocalized setup” ay “nangangahulugan na kailangang nasa isang pahina ang sistema ng edukasyon sa bansa upang hindi magkawatak-watak ang polisiya na ipinatutupad nito.”
 
Nanawagan si Villanueva, chairman ng Senate higher education committee, na nagsagawa ng pagdinig noong Lunes sa Senate Bill No. 1744 na layuning mag-amyenda sa charter ng CHED.
 
Aniya, nadagdagan na ang mga mandato ng CHED sa nakalipas na taon at napapanahon na ang pagrepaso nito upang gawing mas angkop sa panahon.
 
Pagdiin ng mambabatas, kailangan kasabay ng pag-amyenda sa CHED charter ang pagsasagawa ng karagdagang reporma sa kabuuang sistema ng edukasyon, na layunin ng isinusulong niyang pagbuo ng isang congressional oversight committee na tatalakay sa naturang isyu.
 
“Habang pinapalawig natin ang kakayahan ng bawat ahensiya, dapat po nating siguruhin ang kooperasyon ng mga ahensiya ang mangingibabaw,” ani Villanueva. (NIÑO ACLAN)
 
 
 
 
 

About Niño Aclan

Check Also

Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US …

Covid-19 fully vaccinated senior citizen

FULLY VACCINATED SENIOR CITIZENS, PUWEDE NANG ‘MAGLAMYERDA’

PINAPAYAGAN na ang mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa …

102021 Hataw Frontpage

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

ni Rose Novenario MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals …

TCI, Dito, Globe, Smart

SUBSCRIBERS LUMIPAT SA DITO NAPAKATITING

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network …

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Leave a Reply