Monday , October 3 2022

DFA-TOPS binuksan sa NCR (Sa mataas na demand ng passport appointment slots)

INIANUNSIYO kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA), magbubukas ngayong araw, 7 Hulyo, ng limang special off-site locations sa National Capital Region, base sa mataas na demand ng passport appointment slots.
 
Upang maibsan ang problema sa pagkuha ng passport appointment slots para sa karagdagang 177,500.
 
Sinabi ni Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brigido Dulay, ang ilalagay na DFA Temporary Offsite Passport Services (TOPS) offices ay magbubukas sa SM Mall of Asia, SM City North EDSA, SM Aura, Robinsons Place, Las Piñas City at Robinsons Place Magnolia.
 
“The DFA is aware of the demand for passport appointment slots during the pandemic and so we prepared a temporary expansion of our consular operations in off-site locations to address this need while maintaining health and safety protocols,” ani Dulay.
 
Aniya, “Appointment slots for all of these five (5) TOPS may be accessed via the DFA’s online appointment system website www.passport.gov.ph.”
 
Sa bawat TOPS site ay may kapasidad na tumanggap ng 500 appointments kada araw, na ang operasyon ay mula Lunes hanggang Sabado.
 
Ang kabuuang 177,500 additional passport appointment slots ay magiging available hanggang katapusan ng Setyembre, na mabubuo ang operasyon para magserbisyo sa mga aplikante.
 
Sinabi ni Dulay, ang TOPS offices ay bukas rin para sa Courtesy Lane clients tulad ng OFWs na may valid o existing contracts, senior citizens, mga buntis, mga bata na ang edad ay 7-anyos pababa, persons with disabilities (PWDs) at solo parents at maaaring mag-email sa [email protected]
 
Maglalagay din umano ng TOPS sites ang DFA sa mga rehiyon kapag mataas ang demand sa pagkuha ng passport appointment slots.
 
Layunin ng DFA sa paglalagay ng TOPS sites ay upang maiwasan at huwag tangkilikin ang ilang individual o grupo na nag-aalok at nagpapabayad para sa passport appointment slots.
 
Pinayohan ni Dulay ang publiko na huwag paloloko sa mga ganitong uri ng modus, dahil ang appointment slots ay libre at makikita sa official website ng DFA.
 
“We advise applicants to avoid falling prey to online fraudsters and scammers who are taking advantage of the situation by charging hefty fees,” diin ni Dulay. (JG)

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan

Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding

MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, …

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

 ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng …

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

Leave a Reply