Thursday , December 12 2024

P420-M pondo ng PCOO para sa nat’l ID ‘binaril’ ng COA

ni ROSE NOVENARIO
 
KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) kung saan napunta ang P419,563,200 pondo ng Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system na ibinigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
 
Nakasaad sa 2020 Annual Audit Report ng COA, kulang ang implementasyon ng mga aktibidad at paggamit ng pondo ng PhilSys ng PCOO batay sa nilagdaang memorandum of agreement sa PSA.
 
Ipinunto sa ulat, ang mga kaukulang Report of Disbursements (RDs) na isinumite sa Audit Team ay hindi suportado ng mga dokumento kaya’t ang kawastohan ng paggasta sa pondo ay hindi masukat.
 
Tinukoy rin ng COA na may P93-M pang hindi ginalaw sa halos P420-M pondo sa nakalipas na taon dahil hindi ibinigay sa People’s Television Network Inc., (PTNI), at Philippine Information Agency (PIA).
 
Hindi isinakatuparan ng PCOO ang mga binalak na aktibidad para sa mainstream media gaya ng advertisement sa TV, radio at iba pa, kahit naglaan ng budget na P120.6 milyon para rito.
 
Sinabi ng COA, wala rin inupahang mga tao ang PCOO para bumuo ng Monitoring Division ng PhilSys project kaya’t hindi natutukan ang pagususumite ng kaukulang report ng Implementing Agencies (IA).
 
Kabilang sa attached agencies ng PCOO na nagsilbing IA ang National Printing Office (NPO), News and Information Bureau (NIB), Bureau of Communications Service (BCS), at Philippine Broadcasting Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS).
 
“The implementation of activities under the MOA between the PCOO and PSA as well as the utilization of the PSA transferred funds for the PhilSys project were with deficiencies as follows: a) fund received from PSA amounting to P93,000,000 had been idle for more than one year, due to non-transfer of funds to PIA and PTNI, and the non-implementation of the planned activities for mainstream media such as media placements in Top TV, radio stations and others; b) PCOO has yet to hire personnel for the Monitoring Division of the PCOO PhilSys Project Team; hence submission of required reports by the Implementing Agencies ( IA) was not being closely monitored; and c) the related Report of Disbursements (RDs) submitted to the Audit Team were not supported with documents; thus, validity of expenditures charged against the PSA transferred funds could not be ascertained,” ayon sa COA report.
 
Kinuwestiton din ng state auditors ang PCOO sa pagkuha ng 375 contractual personnel na tumanggap ng kabuuhang P70.6 milyong suweldo kahit ang kanilang trabaho ay ginagawa ng mga regular na empleyado.
 
Kabilang sa mga posisyon ng contractual employees ay graphic artist, scriptwriter, public relations officer, at photographer.
 
“In addition, accomplishment reports of COS personnel were exactly the same with one another. Only the name and the period covered are being changed,” pahayag ng COA.

About Rose Novenario

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *