Friday , May 24 2024
Njel de Mesa

Mga pelikula ni Direk Njel de Mesa may Japan Premiere sa Nagoya, kabuuang 10 pelikula sabay-sabay ilulungsad!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG taon ay maipapalabas na sa mga international film festivals ang mga kolaborasyon ni Direk Njel de Mesa. Anim na pelikula nila ang magkakaroon ng Japan Premiere sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan.

International ang magiging red carpet premiere ng mga pelikulang: Malditas In Maldives, Must Give Us Pause, Mama ‘San?, Coronaphobia, Creepy Shorts Anthology, at Subtext. Ang apat na nalalabing pelikula ng NDMstudios ay itatampok naman sa mga film festivals sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Canada, Switzerland, at Dubai.

Nang tanungin si Direk Njel kung kailan mapapanood sa Filipinas ang mga obra niya, kakaiba ang kanyang sagot: “Iikot muna kami sa mga film festivals abroad. Kapag malakas na ang boses ng panawagan na maipalabas dito sa Filipinas, saka kami magpapalabas.”

Nagsimulang mag-produce ng pelikula si Direk Njel de Mesa sa kanyang suspense-thriller na “Coronaphobia” noong panahon pa ng pandemya, ngunit natigil rin ito dahil sa kanyang pagsisilbi bilang Vice Chairman ng MTRCB.

Pero nang magkaroon siya nang panahon at pagkakataon, rumatsada na ang direktor sa paggawa ng makabuluhang mga pelikula kasama ang “Muse of Philippine Cinema” na si Arci Muñoz.

Ilulunsad na rin ni Direk Njel ang kanyang NDM animation studios sa Japan.

Una na sa listahan ang “Malditas in Maldives” na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Kiray Celis at Janelle Tee. Isang nakakatawang pelikula tungkol sa mga matapobreng vloggers na nababaliw sa isang paulit-ulit na araw sa Maldives. Ang “Must Give Us Pause” at “Mama, ‘San?” ay nagtatampok naman kay Shaneley Santos na isa sa mga homegrown NDMstudios baby. Ang “Coronaphobia” ay isang suspense-thriller kasama sina Daiana Menezes at Will Devaughn tungkol sa mga turistang naubusan ng pera noong panahon ng pandemya na pinagpapatay ng isang praning na janitor.

Ang “Subtext” ay nagwagi ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards at ipalalabas ng libre sa JAIFF2024. Tampok dito sina Paolo Contis, Ciara Sotto, Ely Cellan at marami pang iba. Ang Creepy Shorts Anthology ay koleksiyon ng maiikling kuwento na nakakatakot na tampok ang mga artista ni Direk Njel sa NDMstudios Japan.

Maaring mapanood ang kanilang mga trailer, teaser at clips sa www.facebook.com/NDMstudioswww.youtube.com/NjeldeMesawww.instagram.com/NjeldeMesa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …