Friday , December 5 2025

Nation

Habemus Papam

050925 Hataw Frontpage

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo 2025, eksaktong 6:08 ng gabi, ang Simbahang Katoliko ay pumasok na sa bagong panahon. Inihudyat ito ng puting usok na lumabas sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican City. Ang sinaunang hudyat ay may iisang ibig sabihin: Napili na ang bagong Santo Papa.                Nagsigawan …

Read More »

Mga sangkot sa road rage  
‘KAMOTE’ DRIVERS BAWIAN NG LISENSIYA — ESCUDERO

Chiz Escudero

INIREKOMENDA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pamahalaan partikular sa Land Transportation Office (LTO) na bawiin ang mga lisensiya imbes suspendehin ang mga iresponsableng driver na nasasangkot sa mga road rage at iba pang vehicular crashes bilang disiplina. Ipinunto ni Escudero, naging usong content sa social media ang video ng mga ‘kamote’ drivers pero sa totoo lang ay hindi …

Read More »

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

Comelec

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) sa Lunes, 12 Mayo 2025. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ilang araw bago ang halalan ay halos 100% na ang delivery ng automated counting machines (ACMs). Samantala, nagsimula kahapon ang delivery ng huling batch ng mga official ballots para sa National Capital Region (NCR), …

Read More »

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport advocate na si George Royeca na payagang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle (MC) taxis habang hinihintay ang pagpasa ng isang permanenteng batas. Ginawa ni Royeca, tumatayong CEO ng Angkas, ang panukala sa isang high-level meeting kasama ang mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Secretary …

Read More »

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NAIA Accident Driver

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng driver ng SUV na rumampa at bumangga sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport, na ikinasawi ng dalawa katao, kabilang ang 5-anyos anak na babae ng isang paalis na overseas Filipino worker (OFW).                Pahayag ni Aviation Security Unit-National Capital Region Chief Col. Cesar Lumiwes, …

Read More »

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

050725 Hataw Frontpage

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa human trafficking habang nasagip ang 10 biktima sa pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang palaisdaan sa Sual, Pangasinan nitong 1 Mayo. Iniharap ng NBI ang mga suspek na sina Zhonggang Qui, Wenwen Qui, alyas Angielyn, alyas Maricelle, at alyas Jay, na pawang …

Read More »

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

Chavit Singson e-jeep

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas. Ang proyektong ito ay magbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon sa Pilipinas. Ani Singson, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon. “Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney …

Read More »

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at isang 28-anyos lalaki nang rumampa ang isang sports utility vehicle (SUV) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City kahapon ng umaga.                Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Maliya Masongsong, 5 anyos, at Dearick Keo Faustino, 28, …

Read More »

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

Trabaho Partylist

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, para sa maayos na pamantayan sa calamity leave para sa mga naapektohang manggagawa bunsod ng pag-alboroto ng mga bulkang Kanlaon at Bulusan. Layon ng panukalang calamity leave na mabigyan ng sahod ang mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor tuwing may kalamidad — sa panahon …

Read More »

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

Win Gatchalian

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na atasan ang local government units (LGUs) na magtatag ng mga lokal na literacy coordinating councils para sa pagpapatupad ng mga epektibong programa sa literacy o kakayahang magbasa, sumulat, at magbilang. Binigyang-diin ng mambabatas ang mahalagang papel ng mga LGU sa paglaban sa illiteracy, tulad aniya …

Read More »

Swak sa Article 7
SARA ‘SIRA’ — KAPUNAN

Sara Duterte Lorna Kapunan

NANINIWALA si Atty. Lorna Kapunan, seguradong mako-convict si Vice President Sara Duterte sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa pagiging ‘lutang’ sa kanyang mga sinasabi at ginagawi. Ayon kay Kapunan, malabong malusutan ni VP Sara ang nakapaloob sa Article 7 ng impeachment complaint — “The totality of respondent’s conduct as Vice President…” — na aniya’y mistulang laging lutang …

Read More »

Suspensiyon vs Solid North Transit iniutos ng DOTr sa LTFRB

050325 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA INIUTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendehin ang operasyon ng Solid North Transit Incorporated matapos masangkot ang isa sa mga bus nito sa karambola ng maraming sasakyan sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong Huwebes, 1 Mayo 2025. Kinompirmang 10 katao, kabilang ang apat na bata, ang namatay, …

Read More »

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

3RDEY3 AI

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking porsiyento na hindi makasasampa si Makati Mayor Abby Binay sa inaasam na Magic 12 sa Senado taliwas sa kanyang inaasahan. Ayon sa post ng 3RD_AI_, naitala ang tsansa ni Abby Binay sa ika-11 hanggang ika-14 puwesto sa Magic 12 kaya puwede siyang malaglag sa …

Read More »

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

Sara Duterte

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na tagilid siya sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya sa Senado kung kaya’t kailangan niyang mag-endoso ng mga kumakandidatong senador.                Si Bucoy ay miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI). Ayon kay Bucoy, maliwanag …

Read More »

Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

050225 Hataw Frontpage

HATAW news Team HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang 28 indibiduwal ang sugatan sa banggaang kinasasangkutan ng limang sasakyan sa SCTEX Toll Plaza, sa lungsod ng Tarlac, nitong Huwebes ng hapon, 1 Mayo. Ayon kay P/Lt. Col. Romel Santos, director ng Tarlac PPO, naganap ang insidente sa SCTEX toll plaza, sa bahagi ng Brgy. …

Read More »

Sa pagkamatay ng ilang traffic enforcers sa Iloilo
TRABAHO Partylist, nanawagan ng pambansang pagpapatupad ng Heat Stroke Break Policy

high temperature sun heat Trabaho Partylist

NANAWAGAN ang #106 TRABAHO Partylist para madiinan ang pagpapatupad ng “heat stroke break policy” mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa, kasunod ng pagkamatay ng dalawang traffic enforcers sa Iloilo City na pinaniniwalaang dulot ng matinding init ng panahon. Ayon sa ulat ng Transportation and Traffic Management Office ng Iloilo City, ang dalawang enforcer ay may …

Read More »

“Labor Commission” isinusulong sa senado

Senate Senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission na magsasama-sama sa kongreso, ehekutibo, at labor stakeholders para isulong ang pangmatagalang reporma upang mapabuti ang buhay ng mga manggagawang Filipino. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Senado kahapon, 30 abril 2025, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangan ng mas malawak at koordinadong tugon sa …

Read More »

P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP

Bigas Rice P20 per kilo

“KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang makagimik at makapuntos ng boto sa eleksiyon.” Ito ang reaksiyon ni Marco Valbuena, punong opisyal sa impormasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa idineklarang plano ni Marcos na magbenta ang gobyerno ng bigas na P20 kada kilo sa mga mamimili sa Visayas simula …

Read More »

89-anyos beteranong mamamahayag, pinaslang sa Kalibo

043025 Hataw Frontpage

HATAW News Team BINARIL at napaslangang chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) na si Juan Dayang, 89 anyos, sa kanyang tahanan sa Casa Dayang, Villa Salvacion, Kalibo, Aklan, dakong 8:00 pm kagabi, Martes, 29 Abril.                Si Dayang, prominente at iginagalang sa media industry, ay iniulat na nanonood sa telebisyon nang isang armadong lalaki, nakasuot ng …

Read More »

Chinese spy suspect nasakote malapit sa Comelec Intramuros

Arrest Posas Handcuff

ISANG pinaghihinalaang Chinese spy ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI), na nakuhaan ng ‘spy equipment’ sa loob ng sasakyan na nakaparada malapit sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila, kahapon ng hapon, Martes, 29 Abril. Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, pinag-aaralan ang kasong paglabag sa Espionage Law at Data Privacy Act si Tak …

Read More »

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

TRABAHO Partylist 106

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO Partylist ang kanilang matibay na paninindigan sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. Binigyang-diin ng partylist, bilang 106 sa balota, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangmatagalang trabaho, makatarungang sahod, at mas pinahusay na proteksyon para sa mga manggagawa. Kaugnay ng anunsyo ng Department of …

Read More »

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

Isko Moreno Manny Pacquiao

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” at si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang “Batang Maynila” sa kampanya sa Baseco at Sta. Ana, Maynila. Ipinahayag ni Moreno, tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado. Ito na ang ikalawang pagkakataon na isang …

Read More »

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

Pope Francis Tacloban

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang mga public officials at Waraynons sa isang mataimtim na Banal na Misa sa tarmac ng bagong Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport, upang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis noong 2015 at bilang pagpupugay sa Santo Papa na binigyan ang mga mamamayan …

Read More »

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni Pangulong Ferdinand “PBBM” Marcos Jr., partikular sa mga proyektong kaugnay ng pagpapaunlad ng mga pantalan, na layuning magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino. Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni PBBM ang ₱430.39-milyong Balingoan Port Expansion Project sa Misamis Oriental, na nagpapakita …

Read More »