Thursday , June 4 2026
Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na lalong lalakas ang House prosecution team kung isasama rito sina dating Sen. Leila de Lima at human rights lawyer Chel Diokno.

Ayon kay Adiong, na isa rin House Assistant Majority Leader, ang pagkakasama ng dalawang kilalang legal luminaries ay hindi lamang magpapalakas sa legal na kakayahan ng prosecution kundi nagpapakita rin ng determinasyon ng Kamara na panagutin si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment process.

“With the addition of incoming Reps. De Lima and Diokno, we see the convergence of moral clarity and legal precision in our pursuit of conviction. Their presence brings not only valuable expertise but also a profound human rights perspective that elevates the quality of the entire proceeding,” ani Adiong.

Si Diokno, na kumakatawan sa Akbayan Partylist, at si De Lima ng Mamamayang Liberal ay papasok na bilang mga miyembro ng House of Representatives sa ika-20 Kongreso kasunod ng pagkapanalo ng kanilang mga partylist group sa katatapos na 2025 midterm elections.

Ayon kay Adiong, isa sa mga lider ng Young Guns at stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), ang presensiya ni De Lima sa panel ay may malalim na simboliko at institusyonal na kahulugan, lalo sa kanyang karanasan bilang dating senador at dating Kalihim ng Katarungan.

“Her inclusion is more than strategic; it is poetic. It tells us that the advance of justice, may be delayed, but never denied,” ani Adiong.

Sinabi ni Adiong na matagal nang isinasabuhay nina De Lima at Diokno ang uri ng pamumunong nakaugat sa batas, at hindi sa takot o kaginhawaang pampolitika.

“Rep. Chel Diokno has spent decades defending rights, educating lawyers and upholding the Constitution. His presence assures the public that this trial is about truth, not theatrics, not power plays,” dagdag ni Adiong.

Na-impeach ng House of Representatives si Duterte sa mga kasong betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution. Sentro ng kaso ang sinabing pang-aabuso at maling paggamit ni Duterte sa bahagi ng P612.5 milyong confidential funds noong 2022 at ang kanyang mga pahayag sa telebisyon na itinuturing na banta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Adiong, ang pagpasok nina De Lima at Diokno ay nagbibigay ng mas malalim na katalinohang legal at moral na katatagan sa prosecution panel—mga bagay na aniya’y mahalaga sa pagpapatunay ng kaso sa Senate impeachment court.

“When the rule of law is tested, we must answer with clarity, courage and competence. The House has done that by bringing in two of the most respected legal minds of our generation,” ani Adiong. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …