PINAALALAHANAN ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga kababayan nating overseas Filipino worker (OFWs) lalo a ang mga Migrant Domestic Workers (MDW) ukol sa mga nag-aalok ng surrogacy jobs sa Georgia at ibang bansa.
Batay sa impormasyong nakuha ng ating Konsulado mayroong sindikato na nagsasamantala sa mga terminated na domestic workers sa Hong Kong para magtrabaho bilang mga surrogate mothers sa Georgia.
Sa pahayag ng ating Konsulada, may ilang migrant domestic workers na rin ang nakokombinsing magpanggap bilang isang returning worker sa Hong Kong at matapos nito sila ay dadalhin patungong United Arab Emirates at Qatar hanggang makarating sa Georgia.
Tinukoy ng ating Konsulada na ilan sa kanila pagdating ng Georgia ay nagiging biktima ng panggagahasa at sapilitang ipinalalaglag ang kanilang ipinagbubuntis. (NIÑO ACLAN)