ISANG lalaking sinabing manager ng isang bahay-aliwan ang inaresto nitong Lunes, 7 Marso, nang makompirmang ibinubugaw ang mga babaeng nagtatrabaho sa kanyang bahay-aliwan, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Ikinasa ang isang entrapment operation laban sa human trafficking na pinangunahan ng CIDT Bulacan PFU katuwang ang Malolos City Police Station (CPS) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang …
Read More »
Sa Mabalacat City, Pampanga
2 NOTORYUS NA DRUG SUSPECTS DERETSO SA SELDA
NAGWAKAS ang pamamayagpag ng dalawang pinaniniwalaang notoryus na personalidad sa droga sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nang masakote ng lokal na pulisya nitong Linggo, 6 Marso. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Mabalacat City Police Station (CPS) ng anti-illegal drug operation sa …
Read More »
Sa Bulacan
Water level ng Angat Dam patuloy sa pagbaba
PATULOY ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagbibigay ng 96 porsiyento ng tubig sa mga residente sa Metro Manila. Ayon kay National Water Resources Board Executive (NWRB) Director Sevillo David, Jr., kasalukuyang nasa 195.32 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mababa ng 16.68 metro sa normal high water level …
Read More »Negros Oriental binaha 2 patay, 1 nawawala
NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng Ayungon Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) nitong Lunes, 7 Marso, matapos umapaw ang baha sa Brgy. Tibyawan, sa bayan ng Ayungon, lalawigan ng Negros Oriental, sanhi ng ulang dala ng low pressure area (LPA). Nakaranas ng malakas na pag-ulan sa nabanggit na lalawigan nitong Linggo, 6 Marso, kung saan lumaki ang tubig sa …
Read More »Tigasing senglot kalaboso sa paglabag ng Omnibus Election Code
NAWALA ang kalasingan ng isang lalaki nang ideretso siya sa selda ng mga awtoridad matapos arestohin dahil sa panghahabol ng saksak sa una niyang nakainuman sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Eliseo Cammado, Jr., nahaharap sa kasong …
Read More »
Retrato ng chatmate bantang ikalat
‘PILYONG’ SEKYU KALABOSO SA CYBERCRIME
ARESTADO nitong Sabado, 5 Marso, sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, ang isang security guard matapos ireklamo ng isang babaeng pinagbantaan niyang ikakalat ang malalaswang larawan sa social media. Ikinasa ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) ang entrapment operation sa Brgy. Matimbubong, sa nabanggit na bayan laban sa suspek na kinilalang si Alfredo Peralta, …
Read More »
Ilang araw nang palutang-lutang sa dagat
2 MANGINGISDA NASAGIP SA ILOCOS SUR
NAILIGTAS ang dalawang mangingisdang namataang palutang-lutang sa karagatanng bahagi ng Brgy. Nalvo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Linggo ng umaga, 6 Marso. Nakita at nasagip ang dalawang mangingisda ng kapwa mga mangingisdang residente sa naturang barangay. Kuwento ng isa sa anim na mga mangingisdang sumagip, may nagwagayway ng damit sa kanilang direksiyon at nang kanilang …
Read More »
Sangkap sa paggawa ng IED nasamsam
MISIS NG ASG LIDER NASAKOTE SA JOLO
NADAKIP ng pulisya nitong Sabado ng gabi, 5 Marso, ang asawa ng isang hinihinalang lider ng Abu Sayyaf nang makuha ng mga awtoridad sa kanilang tirahan ang mga sangkap para sa pagbuo ng bomba, sa bayan ng Jolo, lalawigan ng Sulu. Kinilala ang suspek na si Nursita Mahalli Malud, pinaniniwalaang isang finance courier para sa teroristang grupo. Isinilbi ang search …
Read More »
Bulacan, nagkulay rosas
GOV. DANIEL FERNANDO TINAWAG NA ‘PRESIDENT’ SI VP LENI ROBREDO
GINANAP nitong Sabado, 5 Marso, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan ang pagtitipon-tipon ng mga ‘kakampink’ o mga supporters ng team Leni-Kiko na dinalohan ng dalawa para sa kanilang kanididatura sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa halalang gaganapin sa 9 Mayo 2022. Dumalo sa pagtitipon si Gob. Daniel Fernando at ilan pang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan. …
Read More »
Sa Cabanatuan City
BEBOT, 3 KELOT TIMBOG SA BATO
ARESTADO ang isang babae at tatlong lalaking pawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes ng tanghali, 1 Marso. Kinilala ang mga suspek na sina Byron Kier Reyes, alyas Ron, 25 anyos; Mayean Santos, 27 anyos, kapwa residente ng Lexber Subdivision, Brgy. …
Read More »
Riding-in-tandem umatake sa Marilao, Bulacan
MUNICIPAL ADMINISTRATOR NAKALIGTAS SA AMBUSH
HIMALANG nakaligtas ang isang opisyal ng munisipypyo nang tambangan ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek nitong Martes ng umaga, 1 Marso, sa Tibagan, Brgy. Sta. Rosa 2, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Wilfredo Diaz, 54 anyos, Marilao Municipal Administrator, at residente sa Brgy. Loma de …
Read More »Magkasabwat tiklo sa gun ban,15 arestado
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Omnibus Election Code pati ang 15 iba pa sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 1 Marso 2022. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Raymundo Chee, alyas Raymond, ng bayan …
Read More »Councilor Yulde ‘di dapat nakulong
SAMANTALA, inilinaw ng kampo ni Quezon Councilor Arkie Yulde na hindi siya dapat nakulong ng limang buwan dahil wala itong nagawang kasalanan o nilabag na batas. Ayon sa abogado ni Yulde na si Atty. Freddie Villamor, nakalaya si Yulde nang ma-dismiss ang tatlong kasong isinampa sa konsehal. “Hindi ko alam kung paano ko makakamit ang katarungan. Ako po ay kumapit …
Read More »Konsehal sa Lopez Quezon, nahaharap sa mga kasong paglabag sa “Bayanihan Act”
MULING nasasangkot sa panibagong kaso si Lopez, Quezon councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag sa mga probisyong nakasaad sa Republic Act No. 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan To Heal As One Act.” Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataong inilagay ni Yulde sa delikadong sitwasyon ang …
Read More »Nadine nag-feeding program sa Siargao
MATABILni John Fontanilla MARAMI ang napabilib na netizens ni Nadine Lustre nang magsagawa ito ng feeding program, ang Libreng Tanghalian para sa mga residente ng Barangay Bagakay sa Siargao. Bahagi ito ng proyektong itinatag ni Nadine at ng kanyang malalapit na kaibigan, ang Siargao Community Kitchen para tulungan ang mga naging biktima ng bagyong Odette. Nililibot ng grupo ni Nadine ang iba’t ibang lugar sa Siargao …
Read More »
Sa San Fernando, Pampanga
PERYANG SUGALAN INIREREKLAMO
HALOS magkaisa ang mga residente ng isang barangay sa lungsod ng San Fernando, sa lalawigan ng Pampanga sa kanilang reklamo kaugnay sa isang peryahan sa kanilang lugar na prente ng kaliwa’t kanang sugalan. Sa reklamong ipinahatid sa pahayagang HATAW, sinasabing matatagpuan ang naturang peryahan sa Purok 5 Brgy. San Jose, sa nabanggit na lungsod na pinatatakbo umano ng financier na …
Read More »
Sa Nueva Ecija
2 HVT TIMBOG, DERETSO SA HOYO
ARESTADO ang dalwang high value target (HVT) sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 26 Pebrero. Kinilala ang mga suspek na sina Jeric Valdez, 27 anyos, empleyado ng Science City of Muñoz LGU, residente sa Brgy. Balante; at Arvin Duran, 24 anyos, isang kolektor. Nakompiska mula sa mga suspek …
Read More »Operasyon kontra sugal ikinasa sa Laguna 48 sabungero arestado
SA ULAT ni Laguna PPO Director, P/Col. Rogarth Campo, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng pulisya laban sa ilegal na sugal na nagresulta sa pagkakadakip sa 48 kataong naaktohan sa tupadahan nitong Sabado, 26 Pebrero, sa lalawigan ng Laguna. Ayon sa isang impormante sa Laguna PPO, mayroong nangyayaring tupada sa Purok 1, Sitio Kabaritan, Brgy. Sto. Domingo, sa bayan …
Read More »
Sa ikalimang araw ng SACLEO sa Bulacan
21 PASAWAY HOYO SA REHAS NA BAKAL
SA PAGPAPATULOY ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP nadakip ang 21 pasaway sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 27 Pebrero, na nasa ikalimang araw nito. Sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng police stations ng Bocaue, Paombong at Pulilan, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Vincent …
Read More »
Sa Bulacan
500 KATUTUBO NAGPASAKLOLO SA SECTORAL TRIBAL COUNCIL
SA PATULOY na pang-aagaw sa lupaing ninuno o ancestral domain ng ilang politiko, malalaking developers at negosyante sa iba’t ibang lugar sa Luzon, umapela ng tulong ang mga katutubong Aetas at Dumagat. Tinatayang nasa 500 katutubong Aeta at Remontado Dumagat mula sa mga bayan ng Caranglan, Nueva Ecija; Taytay, Rizal; at Angeles, Pampanga ang humingi ng tulong sa Aeta Remontado …
Read More »Mayor Paredes wanted sa kasong child abuse
NAGLABAS ng Warrant of Arrest si Judge Anthony B. Fama ng RTC Branch 277 ng Mandaluyong City laban kay Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa kasong Child Abuse. Nailabas ng korte ang warrant of arrest noong 24 Pebrero 2022. Ayon sa abogado ng biktima, masaya ang magulang ng bata dahil bahagya nang umusad ang katarungan pabor sa …
Read More »Awtentisidad ng pirmang kinolekta ng NORDECO hiniling patunayan
HINAMON ng isang consumer advocacy group sa Davao del Norte ang Northern Davao Electric Cooperative Inc. (NORDECO) na patunayan ang awtensidad ng mga kinolektang lagda mula sa mga taong sinasabing laban sa pagwawakas ng kanilang prankisa. Sinabi ni Ave Rose Castillo, convenor ng DavNor Energy Modernization Movement, nakatanggap siya ng mga ulat na nangongolekta ang NORDECO ng mga pirma bilang …
Read More »8th most wanted person ng PNP CALABARZON tiklo sa Victoria, Laguna
INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa rank no. 8 most wanted person regional level sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Victoria MPS, nitong Linggo ng umaga, 20 Pebrero, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang MWP na si …
Read More »Serye ng anti-crime operations inilatag 17 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP
SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigilan ang pagsirit ng mga kaso ng CoVid-19, patuloy ang mga operasyong ikinakasa ng mga awtoridad upang masakote ang mga pasaway sa batas. Sa ulat na ipinadala nitong Lunes, 21 Pebrero, kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, unang inaresto ang 11 sugarol sa …
Read More »MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna
INIULAT ni Laguna PPO Acting Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa pangsiyam na most wanted person sa regional level sa ikinasang manhunt operation nitong Lunes ng hapon, 21 Pebrero, sa Brgy. Nanhaya, bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang target sa manhunt operation na si Erwin Aguilar, 33 anyos, residente …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com