Thursday , June 4 2026
Captain Hook

Bebot ninakawan ng halik, Captain Hook nakalawit sa Taguig

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang professional basketball player nang nakawan ng halik ang isang babaeng kaniyang nakasalubong sa bar na nauwi sa rambol nitong Sabado ng gabi, 28 Marso, sa Bonifacio Global City, sa lungsod ng Taguig.

Nabatid na nakabanggaan ng 22-anyos biktima ang dating manlalaro ng Talk ‘n’ Text na si Mac Cardona, sa smoking area ng bar nang bigla siyang hatakin saka hinalikan.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kaniyang nobyo na siyang kumumpronta kay Cardona na humantong sa suntukan.

Nabatid na bukod sa biktima, may iba pa umanong mga babaeng hinalikan ang suspek.

Nang dumating ang mga nagrespondeng pulis, tumigil ang gulo ngunit may sugat na ang mata ng nobyo ng biktima na dinukot umano ni Cardona.

Napag-alaman ng Taguig CPS na tatlong beses nang nasampahan ng iba’t ibang kaso ang manlalaro, kabilang ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children act (VAWC).

“Ang suspect ay may kaso noong 2016 VAWC, 2018 VAWC, tapos noong 2021 ay kidnapping and failure to return a minor,” pahayag ni P/Capt. Ibralen Jain, Section Chief ng Taguig CPS Women and Children Protection Section.

Samantala, tumangging makipag-areglo ang mga biktima sa suspek na sasampahan ng kasong Acts of Lasciviousness at Physical Injuries.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …