Wednesday , June 24 2026
Neeyong Personal Inventory

Baguhang rapper na si Neeyong idinaan sa rap hugot sa buhay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

A beautiful disaster.

Ganyan masasabi ang inikutan ng bagets na bagong papaimbulog sa mundo ng rap music na si Neeyong.

Hindi naiiba ang istorya ni Neeyong sa mga  napariwarang kabataan. Nalulong. Masamang bisyo.

At hindi matatawaran ang katatagan ng loob ng ama nitong si Ambet Nabus. Nang matuklasan ang sinapit ng anak at nahulihan ito ng ebidensiya na itinago sa kanyang medyas, agad na nakapag-desisyon ang tatay na sa isang rehabilitation center na ito dalhin. Agad-agad.

Pagre-rebelde agad ang kinaharap doon ni Neeyong. Sa programang hindi niya gusto at inasahan.

At dyan umikot ang mga hugot niya sa rap na Programa.Naisulat. Naibulalas.

Ibinahagi ang naging buhay sa rehab center sa loob ng walong buwan.  Bartolina. Malayo sa outside world. Sulat lang ang nasa pagitan nilang mag-ama.

‘Di masisikmura. Straight jacket. Bartolina. Linis ng kubeta gamit ang toothbrush. Linis ng mga siit-siit ng sahig at dingding gamit ang isang toothpick lang.

Gustong maiyak ng mga tito at tita, ninong at ninang ni Neeyong na sumaksi sa kanyang album launch sa Star Pop kasama ang mga naniwala sa kanya. Rox Santos. Roxy Liquigan. Jonathan Manalo.

Hindi nakapagsisisi sa amang si Ambet ang paglalako sa noong una’y ‘di muna ipinakilalang anak.

 Personal Inventory ang titulo ng kanyang kumbaga ay album. Na maririnig din ang Yellow Corner.

Marami na ang nagsabi na malayo ang mararating ni Neeyong sa pinasok na karera.

The singer-songwriter knows what he wants. And does.

Mahusay ang pitik ng utak. Maski sa pagsagot sa mga tanong ng media.  Witty! Natural. Totoo. 

No holds barred si bagets. Sa mga kwentong ilang taon na rin namang iniingatan sa buhay niya. Pero naibahagi ng tapat at totoo.

Maganda ang kwento ni Neeyong. Kaya maganda ang habi ng bawat kanta niya.

Iba ang banat ng bagong rapper.  Sarili at iba ang estilo.

He will do the talking in his rapping! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …