Monday , June 15 2026
Princess Aliyah Fred Moser

Princess Aliyah pag-amin lantaran: BF material si Fred Moser!

ni Allan Sancon

HINDI na nagpaligoy-ligoy pa si Princess Aliyah nang usisain tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Fred Moser matapos ang kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya.

 Unang umamin si Fred na may paghanga siya kay Princess habang nasa loob pa sila ng reality show, kaya naman usap-usapan ngayon kung may posibilidad bang mauwi ito sa panliligaw. Pero ayon mismo kay Princess, malinaw ang lahat sa ngayon. “For now po, wala pong ganoon, very close friends po kami ngayon.

“Kung ano po ‘yung nakikita ninyo, ‘yung pino-post namin sa social media, ‘yun din po ‘yung relationship namin now,” diretsahang pahayag niya.

Sa kabila ng mga espekulasyon ng fans, agad ding nilinaw ni Princess na wala pang nagaganap na panliligaw mula kay Fred. Nang tanungin kung may hakbang na ba ang binata, mabilis ang kanyang tugon: “Ah hindi po.” 

Gayunman, hindi rin niya tuluyang isinara ang pinto sa posibilidad na maaaring may mangyari sa hinaharap, bagay na lalong nagpakilig sa kanilang supporters.

Nang usisain kung may pag-asa ba si Fred sakaling magdesisyon itong manligaw, nag-iwan ng makahulugang sagot si Princess. “Ah, sa takdang panahon,” aniya, sabay ngiti. Isang pahayag na tila nagbigay ng pag-asa at lalong nagpa-init sa usapin kung may “something more” nga bang maaaring mabuo sa kanila.

Hindi rin nagtipid sa papuri si Princess nang tanungin kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Fred. 

Aniya, “Well, sobrang bait po talaga, sobrang maalaga. Ayun nga po, mapagkakatiwalaan, kasi for now sa showbiz talaga, mahirap makahanap ng kaibigan na ganoon.” 

Isang malinaw na indikasyon kung gaano kalalim ang respeto at tiwala niya sa binata, lalo na sa gitna ng industriyang kilala sa pagiging komplikado.

At nang diretsahang tanungin kung maituturing ba niyang boyfriend material si Fred, walang pag-aalinlangan ang kanyang sagot. “Yes!” sabay malakas na tawa ni Princess. 

Dagdag pa niya, “Ewan ko, wala akong maisagot d’yan basta boyfriend material siya.” Isang simpleng sagot pero punompuno ng kilig na agad pinulot ng kanilang mga tagahanga.

Sa huli, nag-iwan si Princess ng mensahe para kay Fred na nagpapakita ng kanyang suporta at pagpapahalaga. “Ayon, mahaba haba pa ang tatahakin namin sa showbiz industry lalo pa at kasisimula pa lang namin. I wish him very well sa career niya.” 

Sa kabila ng lahat, malinaw na nananatiling matibay ang kanilang samahan—at para sa fans, sapat na iyon para umasa na baka balang araw, mula sa pagiging BF material ay tuluyan nang maging boyfriend si Fred sa buhay ni Princess.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Itanong Natin Kay Dok Larry Dr Lawrence Nubla Sembrano

Health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry,” kaabang-abang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGSISIMULA na ngayong June 13 ang health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok …

Phoebe Walker Rico Robles

Phoebe at Rico ikinasal sa Boracay 

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na sina Phoebe Walker at Rico Robles noong June 7, 2026 …

Alden Richards

Alden outlet for mental health ang pagbibisikleta

MATABILni John Fontanilla NAKASANAYAN na at naging parte na ng routine ni Alden Richards ang pagbibisikleta. Ito …

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …