Friday , July 1 2022
gun dead

Sa Candaba, Pampanga
INA AT AMA PINATAY NG ANAK NA ADIK

ni Micka Bautista

NATAGPUAN ng mga residente ng Brgy, Mapaniqui, Candaba, Pampanga ang dalawang duguang bangkay – isa sa bakuran at isa sa terasa ng isang bahay –  nitong Lunes ng madaling araw, 30 Mayo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Candaba MPS nang humingi ng tulong ang mga kapitbahay ng mga biktima na nakakita sa mga bangkay na napag-alamang mag-asawa.

Nabatid na nasa edad 63 at 7 anyos ang mag-asawa na kauwa may tama ng bala sa ulo at may mga duguang tipak ng bato sa tabi.

Ayon kay P/Col. Karen Clark, hepe ng Candaba MPS, ang itinuturong suspek ay ang mismong panganay na anak ng mag-asawa kung saan inabutan pa ng mga rumespondeng pulis na nasa loob ng bahay kaya agad na naaresto.

Sa pagtatanong ng pulisya sa mga kaanak ng mga biktima, napag-alamang dalawang beses nang ipinasok sa rehabilitation center ang suspek dahil sa pagkakalulong sa ilegal na droga.

Plinano pang muli ng mga biktima na ipasok sa rehabilitation center ang anak na ayon sa pulisya ay maaring dahilan kung bakit pinatay ng suspek ang sariling mga magulang.

Ayon sa mga kaanak, may mga insidenteng pumapatay ng mga alagang hayop, tulad ng mga bibe, kapag gumagamit umano ng ilegal na droga ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong dalawang bilang ng kasong parricide.

About Micka Bautista

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …