Saturday , May 18 2024
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
34 SUGAROL, 6 TULAK, 3 PASASWAY NALAMBAT

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 34 sugarol, 10 drug traffickers, at tatlo kataong pawang may paglabag sa batas sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 4 Hunyo.

Iniulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang anim na personalidad sa droga sa ikinasang sa buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga estasyon ng pulisya ng Guiguinto, Marilao, at Baliwag.

Kinilala ang mga suspek na sina Nathaniel James Tangkeko ng Brgy. Pinagbakahan, Malolos; Jan Raiden Apiado ng Sta. Quiteria, Caloocan; Raymond Castro ng Brgy. Sto. Rosario, Paombong; April Rose Taleon at Sanny Beldia kapwa ng Brgy. Pantoc, Meycauayan.

Nasamsam mula sa mga arestadong suspek ang may kabuuang pitong pakete ng hinihinalang shabu, tatlong selyadong bloke ng hinihinalang marijuana, at buy bust money.

Samantala, nasakote ang 34 kataong huli sa sugal sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Bocaue, Pandi, Sta. Maria, at Pulilan MPS, at mga elemento mula sa Bulacan 1st at 2nd PMFC at 301st RMFB.

Naaktohan ang 12 sa mga naaresto sa pagsusugal ng cara y cruz, 18 sa tong-its, at apat sa lucky nine na nakompiskahan ng mga baraha, playing coins, at tayang pera sa iba’t ibang denominasyon.

Nakorner din ng mga tauhan ng Meycauayan CPS ang suspek na kinilalang si Enrico Lopez ng Brgy. Lawa, Meycauayan, sa kasong Acts of Lasciviousness habang nadakip sa ikinasang manhunt operations ng tracker team ng mga police stations ng Calumpit at Plaridel ang dalawang wanted persons na kinilalang sina Czanel Morales, alyas Shane ng Brgy. Lumangbayan, Plaridel sa kasong Qualified Theft; at Juan Manican ng Camarin, Caloocan sa kasong Qualified Theft.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit at police stations ang mga suspek para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …