Thursday , July 7 2022
Lunod, Drown
Lunod, Drown

 2 Bulakeño todas sa alon ng Bataan

IMBES tanggal-stress, buhay ng dalawang Bulakenyo ang ‘nilamon’ ng alon habang naliligo sa beach resort sa bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Miyerkoles, 1 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Rommel Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mga biktimang sina Jorge Pangilinan, 59 anyos; at kanyang driver na si Ricky Geronimo, 49 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Nagbalon, Marilao, Bulacan.

Nabatid sa ulat, habang naliligo ang dalawang biktima sa dagat ay tinangay sila ng malakas na alon mula 20 hanggang 30 metrong layo sa dalampasigan.

Matapos masagip ng mga rescuer, isinugod ang dalawang biktima sa Morong Rural Health Center ngunit idineklarang dead on arrival. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …