Thursday , June 4 2026
ACC Track Para Track Championships Tagaytay Velodrome Cycling
Nakikipagkompetensya si Angelene Elvira (332) sa women elite elimination race habang nauuna si Mark Julius Bonzon laban kay Manssour Ameen Alhayyan ng Saudi Arabia. (PhilCycling photo)

Big Guns Namayani sa Tagaytay, Pinoy Riders, Todo Kayod

TAGAYTAY CITY — Umani ng atensyon ang mga top cyclist sa Asia matapos rumatsada ang aksyon sa ACC Track at Para Track Championships sa Tagaytay Velodrome.

Hindi nagpahuli ang mga dayuhang atleta kung saan wagi si Olympian Eiya Hashimoto ng Japan sa men’s elimination race, habang dinomina naman ni Sze Wing Lee ng Hong Kong ang women’s event.

Kahit matitinding kalaban, lumaban si Pinoy rider Mark Julius Bonzo at nagtapos sa ika-11 puwesto, pinatunayan ang kanyang tibay kontra sa mas beteranong karibal.

Hindi rin nagpadaig si Angeline Elvira matapos pumuwesto sa ika-11 sa women’s division laban sa 13 kalahok.

Ayon kay Hashimoto, may potensyal ang Team Philippines basta tuloy-tuloy ang training at development.

Samantala, humakot ng medalya ang China sa iba’t ibang event, habang nagpakitang-gilas din ang South Korea at Chinese Taipei.

Sa kabila ng kakulangan sa medalya, ipinakita ng Pinoy cyclists ang puso at determinasyon laban sa world-class na kompetisyon.

Ayon kay PhilCycling chief Abraham Tolentino, nagsisimula pa lang ang bansa sa larangan ng track cycling.

“Nag-aaral pa kami at patuloy na lalakas,” ani Tolentino.

Positibo rin ang feedback ng international officials sa maayos na pagho-host ng Pilipinas—patunay na kaya ng bansa ang ganitong kalaking event. (PhilCycling/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …