Sunday , September 8 2024

Masonry Layout

‘Sex for flight’ ipinasa na sa NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa sarili nitong imbestigasyon sa usapin ng ‘sex for flights’ scheme. Ito ang kinompirma ni Justice Sec. Leila de Lima matapos siyang ipatawag ng House committee on overseas workers affair. Ayon kay De Lima, bagama’t hindi pa nila ito maisasapubliko ngayon, tiyak na …

Read More »

ERC gigisahin ng Senado sa power rate hike

GIGISAHIN ng mga senador ang Energy Regulatory Commission (ERC)  sa pagdinig sa Disyembre 18, ng Senate Committee on Energy na pangu-ngunahan ng Chairman na si Senador Serge Osmena kaugnay ng pagtaas ng singil ng kor-yente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayon buwan matapos aprobahan ng ERC. Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, marami si-yang nakatakdang itanong sa ERC sa ginawa …

Read More »

Blackout sa Viernes-trese ‘di pipigilan ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang ikinakasang blackout o malawakang pagpapatay ng mga ilaw bukas, Friday the 13th, bilang pagtutol sa bigtime power rate increase ng Manila Electric Company (Meralco). Tugon ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. matapos ipahayag ni Kabataan Party-list Rep. Teri Redon na kasado na ang pagkilos bilang protesta ng taumbayan sa hindi na …

Read More »

P18-M smuggled Marlboro cigarettes bubusisiin ng BoC

\NAKATAKDANG imbestigahan ng Customs Bureau ang tangkang pag-smuggle ng P18 milyong halaga ng Marlboro cigarettes sa Manila International Container Port. Ayon sa source mula sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang  Intelligence Group Risk Management Office (RMO) ng Customs ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga tao sa likod ng tangkang smuggling ng Philip Morris-product, inisyal …

Read More »

MWSS administrator Esquivel ipinasususpinde

UMAPELA ang grupo ng mga manggagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na resolbahin ang labing isang (11) graft cases na isinampa laban kay MWSS administrator Gerardo Esquivel, Jr. Kasabay nito, hiniling ni MWSS Labor Association Napoleon Quinones kay Carpio-Morales na suspendihin si Esquivel at kapwa akusado habang isinagawa ang pagdinig ng paglabag sa Commission …

Read More »

Probe ng Kamara wa epek, power rate hike tuloy-tuloy

WALA rin napala ang taumbayan sa isinagawang power rate hike investigation ng Kamara kahapon. Sa pagdinig ng Kamara na pinamunuan ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Energy, pinagsumite lamang niya ng proposal ang Department of Energy (DOE) kung paano ma-reresolba ang problema sa pagtaas ng singil sa koryente sa bansa. Dahil dito, tuloy ang unti-unting …

Read More »

Media killings seryoso na sabi ni Coloma

KINAILANGAN pang muling may mapaslang na mamamahayag bago aminin ni Communications Secretary Sonny Coloma na seryoso na ang media killings sa bansa. Ayon kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap, hindi pa nareresolba ang pagpatay sa mga naunang media men ay heto na naman ang dalawang pinatay. Ang pinakahuli ay isang journalist na si Michael Milo, national supervisor ng …

Read More »

73-anyos landlord niratrat sa internet shop

Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod. Tumakas ang mga suspek …

Read More »

Lacson pasok na sa gabinete ni PNoy

OPISYAL na ang pagiging miyembro ng gabinete at “rehab czar” ni dating Sen. Panfilo Lacson matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino ang appointment paper na nagtatalaga sa kanya bilang “Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, with Cabinet rank.” Pinirmahan din ng Pangulo ang Memorandum Order No. 62 na nagtatakda ng mga tungkulin ni Lacson at itinalaga rin niya na aayuda …

Read More »

Illegal arrest sa manggagawa ng Manila Seedling Bank kinondena

Kinondena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang ilegal na pag-aresto ng Quezon City Police District sa mga aktibista at manggagawa ng Manila Seedling Bank sa North Triangle, Quezon City. Kabilang sa mga inaresto si Sylva Attala Fortuno, 27, pambansang opisyal ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, at Joana Orellano, 14,  ng Anakbayan North Triangle. Sila ay binugbog ng mga …

Read More »

Bahay sa Times sinugod ng militante (Pulis, raliyista, naggirian)

TINATAYANG  200 raliyista mula Timog Katagalugan ang sumugod at nagsagawa ng programa sa harapan ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle Homes, Quezon City. Naging maaksyon ang pagdating ng mga militanteng sakay ng trak dahil napaatras ng grupo ang hanay ng mga pulis mula Station 2 matapos ang girian. Itinumba rin ng grupo ang isang police …

Read More »

Justin Bieber dumalaw sa Yolanda survivors

TACLOBAN CITY – Dumating sa Tacloban City dakong 1 p.m. kahapon si Canadian pop superstar Justin Bieber sakay ng private plane para dalawin ang Yolanda survivors. Agad siyang pinagkaguluhan mula sa airport ng kanyang fans na pawang survivors ng nagdaang super typhoon. Sobrang higpit ng seguridad at hindi basta-basta makalapit ang mga mamamahayag. Mas binigyan prayoridad ang mga bata na …

Read More »

Misuari nakapuga na

KINOMPIRMA ng spokesman ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na nakaalis na ng bansa ang kanilang lider. Sinabi ni Emmanuel Fontanilla, “nasa OIC (Organization of Islamic Conference) na po ‘yung ating mahal na propesor… Doon na po siya sa Guinea at nakikipag-usap na po.” Ito ay sa kabila ng warrant of arrest na inisyu laban kay Misuari …

Read More »

2 totoy nalunod sa septic tank

NALUNOD ang dalawang totoy matapos maglaro at lumangoy sa isang septic tank, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City. Nadala pa sa Home Care Clinic sa Merville, Parañaque ang mga biktimang sina Jerome Berja, 12, at Ricky Laurente, 9, ng Barangay Pag-asa 2, pero hindi na umabot ng buhay. Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong, ng Station Investigation and Detective Management …

Read More »

Isnaberong German binugbog sa Aklan

KALIBO, Aklan – Dahil sa pagiging isnabero, bugbog-sarado ang German national makaraang bugbugin ng lasing na lalaki sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan. Ang biktimang isinugod sa Caticlan Baptist Hospital ay kinilalang si Heinz Warner Fickermann, 62, German national na nakapag-asawa ng Filipina sa naturang lugar. Ayon kay PO2 Mondia ng Malay PNP Station, ang insidente ay naganap habang ang biktima …

Read More »

Grade 6 pupil minolestiya ng titser

LAOAG CITY – Kinompirma ni Samuel Oliva, head teacher ng Nagba-lagan Elementary School sa Bangui, Ilocos Norte, agad nagbakasyon ang gurong pinaratangang nangmolestiya sa kanyang pupil. Kinilala ni Oliva ang suspek na si Kenneth de Guzman, Grade 6 teacher ng nasabing paaralan, samantala ang biktima ay 12anyos na Grade 6 pupil. Ayon sa head teacher, agad niyang kinausap si De …

Read More »

Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy

e IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.” Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si …

Read More »

DENR surveyor live-in partner kalaboso (Lolo brutal na pinatay)

LA UNION – Nakapiit na sa San Fernando City Jail at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mag-live-in partner na suspek sa brutal na pagpatay sa 61-anyos lolo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union. Ang mga suspek ay sina Richard Cabigun, 22, surveyor ng DENR, residente ng Brgy. Pagudpud, San Fernando …

Read More »

P2 fare hike hirit ng transport groups

PLANONG maghain ng petisyon ngayong linggo ang ilang transport groups para hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe, sa gitna nang panibagong oil price hike. Ayon sa grupo, target nila ang karagdagang P2.00 sa kasalukuyang minimum fare na P8.00. Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang panibagong …

Read More »

Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI),  nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga. Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank. Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado …

Read More »

‘Sinasapian’ sa Agusan dumarami

BUTUAN CITY – Nagkasa ang mga magulang, mga guro at principal ng Datu Lipos Makapandong National High School gayondin ang local officials sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ng mga hakbang upang matapos na ang anila’y pagsapi ng  masasamang espirito sa mga estudyante na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 6. Ayon kay Luzminda Pagalong, principal ng paaralan, mula sa 11 …

Read More »

Romualdez pinagbibitiw ni Roxas

IBINULALAS ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kanyang sama ng loob kaugnay sa aniya’y pagpapabitiw sa kanya sa tungkulin ni DILG Secretary Mar Roxas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, sa Congressional Oversight Committee Hearing sa Senado kahapon.     (JERRY SABINO) IBINUNYAG ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tinangka ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary …

Read More »

Malampaya funds gagamitin vs power rate hike

INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kina Energy Sec. Jericho Petilla, Executive Sec. Jojo Ochoa, Finance Sec. Cesar Purisima, Justice Sec. Leila de Lima at Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa na pag-aralan ang posibleng paggamit ng Malampaya funds para maibsan ang bigtime power rate hike. Ayon sa Pangulong Aquino, nais niyang matapos ang pag-aaral bago siya bibiyahe papuntang …

Read More »

Super Lotto jackpot lumobo sa P107-M

BIGO pa rin mapalunan ng mga mananaya sa Lotto ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang winning number combinations ay binubuo ng 10-36-44-35-19-39 na ang premyo ay nasa P107,698,860. Matatandaang nitong buwan ng Setyembre, isa ang maswerteng nanalo ng Super Lotto jackpot na ang premyo ay nasa mahigit P77.14 million. …

Read More »

Anak ng trader patay, 1 pa sugatan sa pamamaril

ZAMBOANGA CITY – Agad binawian ng buhay ang anak ng isang negosyante habang sugatan naman sa ligaw na bala ang isang babae sa insidente ng pamamaril sa Brgy. Tetuan sa Zamboanga City. Batay sa report ng Zamboanga City police office (ZCPO), tadtad ng tama ng bala ng M16 Rifle ang biktimang kinilala ng pulisya na si Al-Sabri Omar Jainuddin, 31, …

Read More »