Sunday , August 7 2022

Magtiyuhing cock breeder utas sa kostumer

112514 deadKAPWA binawian ng buhay ang magtiyuhin na nag-aalaga ng sasabunging manok makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nagpanggap na kostumer sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. 

Kinilala ang mga biktimang sina Salvador Endaya, 64, at Roberto Fombuena, 50, kapwa residente ng Brgy. FVR, Norzagaray, sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulisya, magkasama ang magtiyuhin sa kinalalagyan ng inaalagaan nilang mga manok nang dumating ang mga suspek na nagpanggap na bibili ng sasabungin.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay pinagbabaril sila ng mga suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas,

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na hindi binanggit ang pangalan upang hindi maunsiyami ang operasyon.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …

shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal …

Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng …

Leave a Reply