25-anyos misis ginahasa binigti pinutulan ng daliri  

112514 deadNAGA CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang panggagahasa at brutal na pagpatay sa isang 25-anyos babae sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa.

Napag-alaman, itinapon ng hindi nakilalang suspek ang bangkay ng biktima sa isang kanal, 50 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Natagpuan ang katawan ng biktima na wala nang saplot, puno ng sugat ang buong katawan, may marka ng tali sa leeg at putol ang mga daliri sa kamay.

Ayon sa kinakasama niyang si Alwin Alman, iniwan niyang naglalaba ang biktima sa kanilang bahay ngunit dalawang oras lamang ang nakalipas nang matanggap niya ang impormasyong natagpuang patay ang kanyang kinakasama.

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktima bago pinaglaruan ng salarin ang kanyang katawan.