This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DALAWA ang patay habang 11 ang sugatan sa pagguho ng itinatayong 63-story residential tower na The Suites condominium sa kanto ng 5th at 28th Avenue, Bonifacio Global City sa Taguig dakong 8 a.m. kahapon.
Kinilala ni Taguig City Fire Marshal Chief Inspector Juanito Maslang ang mga namatay na construction worker na sina Ruben Racraquen at Renante Dela Cruz. Karamihan sa mga biktima ay dumanas ng pinsala sa braso, balikat at likod.
Habang isinugod sa St. Lukeโs Medical Center at Ospital ng Makati ang mga sugatan na sina Aldrin Gahuman, Jaymar Carbeta, Sandy Vargas,ย ย Roberto Lorca, Regan Labmutin, Larry Magguray, Wendel Behim, Darwin Amara, Bernard Tugade, Jonathan Agoson, at Delinger Abara.ย
โKakaalis ko lang sa building noโng mangyari, segundo lang ayun na bumagsak na,โ pahayag ni Edwin Suarez, isa ring construction worker.
Sinabi ni Taguig City police chief, Senior Supt. Arthur Felix Asis, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanyang mga tauhan sa construction site kaugnay sa insidente.
Samantala, sinisi ng Labor group Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa ang Labor department at local officials ng lungsod sa insidente.ย ย ย ย ย