Baby, 4 paslit, 3 pa nasagip sa hostage taker na pastor

hostageNAILIGTAS ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, apat na paslit, at tatlo pa makaraan i-hostage ng isang pastor sa Brgy. 132, Canoy St., Pasay City kahapon.

Inabot nang mahigit pitong oras ang hostage drama bago nahuli ang suspek na Christopher Magsusay, 56, sinabing isang pastor at isa rin tricycle operator, ng 2414 Canoy St., Brgy. 132 ng naturang lungsod.

Nagtangkang tumakas si Magsusay sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubungan ng bahay.

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang suspek dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib at noo makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na mag-asawang Rolando, 40, at Jonnel Balnido, 37, at ang tatlo nilang mga anak na itinago sa pangalang Cloud, 7; Jasmine 5; at Froilan, 3; dalawang anak ng kanilang kapitbahay naΒ sina Janine, 3; Daryll, 1; at Jose Veloso, 19, ng 2154 Canoy St. ng nasabing lungsod, pawang nasa mabuting kalagayan.

Jaja Garcia