This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
IKINAKALAKAL na ang mga baril ng Fallen 44 na kinulimbat ng mga miyembro ng MILF at BIFF makaraan ang bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.
Ibinulgar ito ni PNP OIC Leonardo Espina sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro kahapon.
Base sa nakarating na impormasyon kay Espina, isang recoiless rifle ang naibenta na sa halagang P1.5 milyon ngunit hindi malinaw kung sino ang bumili nito.
Humarap sa Komite si Espina para humingi ng paumanhin dahil hindi nila agad naisumite ang hinihinging incident report.
Nangako si Espina na bago o sa Pebrero 9 ay isusumite nila ang ulat sa komite bilang pagsunod sa deadline na itinakda ng chairman na si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.
Sinabi ni Espina, binigyan ng isang buwan palugit ni DILG Secretary Mar Roxas ang Board Of Inquiry (BOI) para maisumite ang ulat sa kaugnay sa insidente.