This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon na unconstitutional ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Itoβy sa desisyong inilabas makaraan ang en banc session kahapon ng umaga.
Ayon kay SC spokesman Theodore Te, 13-0 ang resulta ng botohan para pagtibayin na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP.
Hindi sumama sa botohan sina Associate Justices Teresita de Carpio at Francis Jardeleza.
Ngunit pinagbigyan pa rin ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Solicitor General.
Binago ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng July 2014 decision nito.
Sa bagong desisyon ng kataas-taasang hukuman, idineklara nang constitutional ang ginamit na pera para sa mga proyekto na pinaglaanan ng DAP at hindi covered ng General Appropriations Act (GAA).
Paliwanag ni Te, kinikilala ng Korte Suprema ang magiging epekto nito sa mga proyekto bago inilabas ang desisyon na ito ay unconstitutional.
Samantala, ibinasura ng SC ang motion for partial reconsideration ng respondents kaugnay sa kontrobersiyal na DAP.