This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang Catanduanes dakong 11:13 p.m. kamakalawa.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 91 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Virac.ย
Tectonic ang origin nito at may lalim na 3 kilometro.
Naramdaman ang lindol sa: Intensity V – Gigmoto, Catanduanes; Intensity IV – Virac, Catanduanes; Intensity III – Panganiban, Catanduanes; Sorsogon City, Legazpi City; Irosin at Prieto Diaz, Sorsogon; Intensity II – Naga City, Masbate City, Quezon City; at Intensity I – Manila
Sinabi ni Phivolcs researcher Dante Soneja,. sa bahagi ng karagatan naitala ang lindol.
Habang ayon kay Catanduanes Governor Araceli Wong: โSa central ng Virac, talaga pong ramdam nila, naramdaman nila โyung yanig na medyo mataas but they cannot predict โyung strength.โ
Hanggang hatinggabi, wala aniyang napabalitang pinsala sa kanilang lugar. โโYung yanig naramdaman pero walang tsunami, walang abnormality sa dagat.โ
Sa Legazpi City, iniulat na malakas ang naging pagyanig na nagtagal ng 15 hanggang 20 segundo. May ilang residente ang nagsabing silaโy nagising at lumabas ng kanilang bahay.
May inasahang pinsala at aftershocks ang Phivolcs.
Bandang 5:20 a.m. kahapon, muling nilindol ang Virac, Catanduanes.
Naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa layong 62 kilometro hilagang-silangan ng Virac, tectonic ang origin, at may lalim na 32 kilometro.
Sa mas mahinang lindol, wala nang inaasahang pinsala o aftershocks ang Phivolcs.