Monday , August 8 2022

‘Kinulam’ namaril 3 patay

112514 crime sceneCEBU CITY – Patay ang tatlong katao makaraan barilin ng isang lalaki kamakalawa sa Brgy. Buot-Taop, Lungsod ng Cebu, dahil sa findings ng albularyo na kinukulam ang suspek kaya siya nagkasakit.

Kinilala ang mga biktimang sina Gerardo Tangayan, 46-anyos magsasaka; Jeffrey Cabucayan, 23; at Jerome Cabucayan, 19; habang himalang nakaligtas si Rejel Tangayan, 16-anyos.

Ayon kay SPO4 Rey Cuyos ng homicide section, lumabas sa inisyal na imbestigasyon, sobrang galit ang suspek sa mga biktima kaya nagawa ang krimen.

Aniya, kamakalawa ng hapon ay nagtungo sa albularyo ang suspek na si Renato Cabradilla upang ipatingin ang kanyang sakit.

Sinasabing nakita ng albularyo na may kumukulam sa kanya kaya hindi magamot ng mga doktor.

Lumabas din sa pagsisiyasat na ang mga napatay ay nakaaway ng suspek dahil sa agawan ng lupain.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa suspek na tumakas makaraan ang krimen.

About hataw tabloid

Check Also

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …

shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal …

Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng …

Leave a Reply