Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

DOH budget bantayan sa deliberasyon — Angara

PINABABANTAYAN ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara sa mga kapwa senador ang deliberasyon ng budget ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon. Sinabi ni Angara, chairman rin ng committee on finance, ito ay bunsod ng mga isyu na patuloy na nakaugnay kay Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Angara, magiging factor ng Senate approval sa 2021 …

Read More »

Binata nag-selfie pa bago nagbigti

NAGAWA pang mag-selfie ng isang binata bago nagbigti sa Quezon City, nitong Sabado ng hapon. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 5:00 pm, 13 Setyembre, nang  madiskubre ang pagbibigti ng biktimang si Levie Estrada, Jr., 32, binata,  construction worker, sa loob ng kanilang tahanan sa  Block 5, Lot 1, Philip North Point …

Read More »

Bakuna kontra polio inilarga sa Pampanga

UMABOT sa 28,849 batang Fernandino ang napatakan ng bakuna kontra Polio sa unang bugso ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa tulong ng health workers na walang pagod na umikot sa mga kabahayan nitong buwan ng Agosto 2020. Ayon kay Dr. Irish Rose Muñoz, tagapamahala ng Expanded Program on Immunization, target ngayon ang 36,069 kabataang Fernandinong may edad 0 hanggang 59 …

Read More »

Pemberton kapalit ng bakunang made in USA

KINOMPIRMA ng Palasyo na ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump ang nagbigay daan sa paggawad ng absolute pardon kay US serviceman Joseph Scott Pemberton. Ayon kay Presidential Spokesman Harry, hindi lang pagpupulong nina Pangulong Duterte at outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang susi sa paglaya ni Pemberton kundi ang usapan sa telepono …

Read More »

Refund sa Covid testing (Utos sa PhilHealth)

ni GERRY BALDO INATASAN ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) na ibalik ang ginastos sa swab test ng mga kalipikadong miyembro nito. Ayon kay Herrera ang mga miyembro ng PhilHealth “who are classified as eligible for testing based on the guidelines issued by the Department of Health (DOH) could …

Read More »

Ulat ng PAPI vs abuso ng PECO inilabas (Para sa kapakanan ng consumers)

ISANG investigative report na nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City ang inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinaka­malaking media group sa bansa na kina­bibi­langan ng mga publisher. Hinimay sa nasabing report ang pang-aabuso ng power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayondin ang mga pagbabago sa lungsod matapos ang pagbagsak ng mahigit …

Read More »

Minimum wage sa pribadong nurses, ipagkaloob – Rep. Pulong Duterte

SA KASALUKUYANG pandemya na kinahaharap ng bansa maging sa buong mundo dahil sa coronavirus o CoVid-19, ang nurses ng bansa maging sa pribadong sektor ay isa sa mga pangunahing depensa ng bansa sa paglaban dito. Kaya bilang suporta sa nurses na kabilang sa frontliners na kasalukuyang nasa unahan ng peligro at walang pagod na nakikipaglaban, naghain si Deputy Speaker at …

Read More »

‘Dirty energy’ dapat nang ibasura ng ADB

MULING hinamon ng civil society groups ang Asian Development Bank (ADB) na tuldukan ang maruruming proyektong pang-enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pamumuhunan o pagpopondo sa ‘coal’ o karbon. Ang panawagan ay isinagawa ng grupo sa isang webinar na isinapubliko rin ang pag-aaral na pinamagatang “Leaving behind ADB’s Dirty Energy Legacy” ilang araw bago ang Annual Governors Meeting ng  ADB. …

Read More »

‘Notice to proceed’ ng Kaliwa Dam project sinalungat ng COA

KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) ang iba’t ibang teknikalidad sa konstruksiyon ng Kaliwa Dam project, kabilang ang umano’y kaduda-dudang pagsang-ayon ng mga katutubo at indigenous people sa lalawigan ng Quezon. Sa kalalabas na 2019 annual audit report para sa MWSS, kinuwestiyon ng COA ang pag-iisyu ng Metropoitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng notice to proceed (NTP) para sa …

Read More »

Cell Towers sa military camps katangahan — Ex-SC justice (Plano ng Chinese-backed DITO)

TAHASANG sinabi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na isang katangahan na payagan ang China-backed Dito Telecommunity na magtayo ng cell towers sa loob ng military camps sa gitna ng banta sa pambansang seguridad. Ayon sa dating SC justice, ang hakbang ay parang pagpayag na rin sa China na maglagay ng ‘listening device’ sa nasasakupan ng Filipinas, at idinagdag …

Read More »

Muntinlupa isinailalim sa localized lockdown

Muntinlupa

NAGPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa extreme localized community quarantine ang residential compound sa loob ng industrial complex sa Barangay Tunasan dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng CoVid-19.   Iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na isailalim sa 15-day extreme localized community quarantine (ELCQ) ang RMT 7A Compound simula 12:00 ng tanghali kahapon, 9 Setyembre hanggang tanghali …

Read More »

2 bebot, kelot arestado sa P.4-M shabu

arrest prison

NAKUHA sa dalawang babae at kasamang lalaki ang halos P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Parañaque City, kamakalawa.   Kinilala ni Parañaque City Police chief, Col. Robin King Sarmiento ang mga suspek na sina Menandro Richardson, 40 anyos, binata; Jaren Guenthoer, 23 anyos, dalaga; at Ryza Gesate, 33, dalaga; pawang residente sa Silverio Compound, …

Read More »

Pekeng opisyal ng BIR, timbog

NAHULI ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), ang 68-anyos lalaki na nagpapanggap na Enforcement Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagtangkang manghingi ng P25,000 sa isang negosyante para sa kanyang BIR Clearance Certification, nitong Lunes ng hapon sa Binondo, Maynila.   Kinilala ang suspek na si Vicente Alberto, nakatira sa  234 D, 5th …

Read More »

3 tulak, huli sa P3.4-M shabu sa QC

shabu drug arrest

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Novaliches Station (QCPD-PS 4) ang tatlong hinihinalang drug pusher na kumikilos sa lungsod makaraang makompiskahan ng P3.4 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation, kahapon.   Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang mga nadakip na sina Carlos Tuason, 43 anyos,  residente sa Pembo Dt., Barangay …

Read More »

Pagsugpo sa Covid-19 prayoridad ni Mayor Isko hindi politika (Sa darating na national elections)

PAGSUGPO sa nakamamatay na sakit na coronavirus (CoVid 19) ang tanging prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at hindi muna ang politika para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lungsod ng Maynila   Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa virtual na Kapihan sa Manila Bay nang tangungin tungkol sa ulat na may nakikipag-usap sa kanya upang tumakbo sa …

Read More »

Ban sa health workers tinalakay na ng IATF

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na lumakad na ang diskusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa panukalang lifting o pag-aalis ng ban sa deployment ng ating healthcare workers sa ibang bansa.   Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-usapan ng IATF sa nagdaang meeting ang posibilidad na alisin ang deployment ban sa healthcare workers na may pinirmahan nang …

Read More »

Pinaigting na patakaran at regulasyon sa trapiko isinulong ng inter-agency

PALALAKASIN ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng trapiko para maiwasan ang aksidente o sakuna sa National Capital Region (NCR).   Nagkaisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Transportation (DOTR), Land Transportation Office (LTO), at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matutukan ang mga karaniwang …

Read More »

Kuratong Baleleng Gang rubout at Dacer-Corbito double murder case suspect, itinalagang DICT exec

DICT Department of Information and Communications Technology

MATAPOS maging suspect sa dalawang heinous crime sa nakalipas na dalawang dekada, itinalaga bilang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating police colonel Cezar Mancao II.   Kinompirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mancao bilang Executive Director V ng Cybercrime Investigation and Coordination Center ng DICT.   Kompiyansa aniya …

Read More »

Yorme, umiiwas sa mass gathering

BAGO ninyo away-awayin si Yorme Isko Moreno dahil sa kanyang desisyong ipasara ang mga sementeryo sa Maynila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, na ginaya na rin ngayon ng Angeles City sa Pampanga at Cebu City, intindihin muna natin ang intensiyon ng pagbabawal. Isang napakatandang tradisyon na ang paggunita sa mga yumao sa araw na iyan, na kung tawagin nga natin ay …

Read More »

P1.59-B PCOO budget ‘ibinitin’ ng solon dahil kay Badoy (Sa red tagging ng tinawag na unelected factotum)

TILA nabitin sa balag ng alanganin ang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa susunod na taon dahil sa red-tagging post ng isang opisyal sa social media laban sa mga organisasyong makabayan. Sa mosyon ni ACT party-list Rep. France Castro sinuspendi ng House committee on appropriations ang pagdinig matapos sitahin si PCOO Undersecretary Lorraine Badoy sa kanyang mga …

Read More »

2 ‘bogus’ inilaglag ng consumers’ group (Kaalyado ng PECO)

UMALMA kahapon ang tunay na mga kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente, Inc., (KBK) laban sa patuloy na paggamit ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang grupo para sa sariling interes nito upang siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Kinastigo din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino …

Read More »

PERA ng public school teachers inihirit taasan ng kongresista

DepEd Money

SA HIRAP ng ekonomiya, hinirit ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos na taasan ng P8,000 ang pinansiyal na tulong para sa mga pampublikong guro sa ilalim ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA).   Ani Delos Santos, ito ay tugon sa kakulangan sa monthly income at living wage sa sambahayang may limang miyembro.   Sa House Bill 6329, o …

Read More »

Pfizer walang gagawing clinical trials sa PH (Bakuna isu-supply)

WALANG maaasahang clinical trials dito sa Filipinas ang CoVid-19 vaccine na ini-develop ng kompanyang Pfizer sa Estados Unidos.   Kinompirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos makipag-usap ang pamahalaan sa mga opisyal ng kompanya, na nagsabing matatapos na ang kanilang Phase 3 clinical trials sa susunod na buwan.   “Walang commitments na nangyari pa. We just had to explain …

Read More »

85-anyos lolong may CoVid-19 nangsunog ng quarantine facility

fire sunog bombero

MATAPOS tumakas mula nang maospital dahil sa coronavirus disease (CoVid-19), sinunog ng isang 85-anyos lolo ang social hall kung saan siya inilipat para i-quarantine sa Barangay Guiset Norte, sa bayan ng San Manuel, sa lalawigan ng Pangasinan, noong Linggo, 6 Setyembre.   Kinilala ang suspek na si Jacinto Delos Santos,  residente sa Barangay Guiset Norte, sinabing gumawa ng sunog sa …

Read More »