Thursday , May 26 2022
Yeng Guiao Olsen Racela Leni Robredo Johnny Abarrientos Jojo Lastimosa

Ex-PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa 9 Mayo.

Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos.

Una nang nagdeklara ng suporta kay Robredo sina Guiao at dating national team head coach Chot Reyes.

Sa video, sinabi ng mga dating PBA superstar, si Robredo ang nararapat maging susunod na lider ng bansa, batay sa kanyang katangian at track record bilang lingkod-bayan.

“Sa basketball, hindi puwedeng pa-absent-absent kapag may training or laban. Dapat laging present. You show up in the most difficult times,” wika ni Racela, na ngayo’y head coach ng Far Eastern University (FEU) at assistant coach ng Barangay Ginebra.

“Sa basketball, hindi ka puwedeng sumuko. Laban lang nang laban, kahit na pinipilit kang i-foul out ng kalaban,” ani Abarrientos, assistant coach ng FEU at Magnolia Hotshots.

“Kaya ako, bilib na bilib ako sa lider na taglay ang mga katangiang gaya nito,” ani Lastimosa, isa sa mga assistant coach ni Guiao sa NLEX.

Sa pangunguna ni Robredo, naniniwala sila na gaganda ang buhay ng mga Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …