Friday , May 27 2022

Sa pagkiling sa pasista
LOREN ISINUKA NG ANAK

050522 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ISINUKA ng kanyang sariling anak si senatorial bet Loren Legarda dahil nanghilakbot sa pagsanib ng ina sa ticket ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr., at vice presidential bet Sara Duterte.

Sa isang open letter ni Lorenzo Legarda Leviste na inilathala sa Rappler, tinawag niyang kasuklam-suklam, kahangalan, at walang pakundangan ang pagsali ng kanyang ina sa pangkat ng mga pasista.

“My mother is an example of how fascism takes hold, is made acceptable, normalized, facilitated, ushered in, I’m writing this weeks after learning the news that my mother, a woman named Loren Legarda, is running for senator on a slate led by a Marcos and a Duterte. She is endorsing fascists,” ani Lorenzo.

Inilahad ni Lorenzo na walang paglagyan ang naramdamang labis na pagkadesmaya at pighati sa naging desisyon ni Loren na para sa kanya ay masahol pa sa isang bangungot.

Aniya, ilang linggo na siyang umiiyak, nagsisisigaw hanggang sumuka ng dugo at napaparalisa na sa sobrang sakit dahil hindi niya matanggap, hindi lubos maisip, at hindi mapatawad ang pasya ng ina na umanib sa mga taong may utang na dugo sa mga mamamayan.

“For weeks I have been crying every day, screaming every day until I spat out blood. The decision she’s made is so profoundly unthinkable, unconscionable, unforgivable. In the last month, my entire life has collapsed. It is beyond a nightmare. I still cannot believe it and will never be able to accept it,” sabi ni Lorenzo.

Ipinabatid ni Lorenzo sa publiko na tuluyan na niyang tinalikuran ang pagiging anak ni Loren at isang malaking kahihiyan ang kanyang ina.

“For weeks I have been paralyzed in pain. But I have no choice but to publicly declare that I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do. It sickens me and makes me want to die. I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this. Paint her bright red with that shame. Don’t let her forget it. In the words of a wise woman: I don’t know her.”

May limang taon na sa ibang bansa si Lorenzo at kung hindi pa aniya sa ipinaskil na video ni Ariana Grande tungkol sa Leni Robredo rally, saka lamang niya naalala na may halalang magaganap sa Filipinas.

“It took Ariana Grande posting a video of a Leni rally with the crowd singing “Break Free” for me to remember that an election was happening. I have not lived in the Philippines since I was 18; I haven’t been in half a decade, haven’t seen my mother in as long, and did not know who was running,” lahad ni Lorenzo.

“I have witnessed the last six years unfold in absolute horror. This detachment is an immense privilege, and conditioned by the immense trauma of having grown up in a country that I always recognized was sick, infected with the historical amnesia and denial that have led to this moment,” aniya.

Ayaw niyang tanggapin na normal ang pagkakaroon ng pasistang estado, ang pag-iral ng kasinungalingan imbes katotohanan at ang abang kasaysayan na binabalangkas bilang isang pabula.

Ang kanyang ina, aniya ay isang halimbawa nang pananaig ng pasismo, kung paano ito ginagawang katanggap-tanggap, normal, at ipinatutupad.

Giit ni Lorenzo, para sa kanyang ina ay bahagi lamang ng eleksiyon ang pagsali sa grupo ng mga pasista kahit dati siyang mamamahayag at natunghayan ang batas militar.

“I refuse the normalization of fascistic state thuggery, of lies as alternate truth, of the country’s sorry history being rewritten as fable. My mother is an example of how fascism takes hold, is made acceptable, normalized, facilitated, ushered in. I need you to know that she has no clue about the utter gravity and depravity of what she is doing.

‘So I am on their ticket. Does that make me a fascist?\ she asked, both cluelessly and cynically. I was aghast. This is a woman who lived through Martial Law; she was once a journalist who taught me to value truth and justice.

“This is how vile, braindead, and reckless these people are. They literally have no idea what they are doing, the decades of violence and anguish they are unleashing. For her it is just any other election year, ripe for the usual craven, convenient opportunism. There is no understanding that another Marcos presidency would mean the end of everything for the Philippines. The end of history, ang hangganan ng kasaysayan,” wika niya.

May mga ebidensiya at batayan, ani Lorenzo, ang mga kabuktutan ng mga Marcos at Duterte at hindi gawa-gawa lamang at ang pakikipagsabwatan ng kanyang ina para ikubli ang katotohanan ay deklarasyon na kaaway siya ng hustisya, ng libo-libong buhay na nasira ng mga Marcos at Duterte at ng milyon-milyong kataong lumalaban ngayon para pigilan sila.

“My mother, Loren Legarda, spits in the faces of all these people.”

Hindi rin aniya dapat kalimutan ang mga taong nais silang iluklok sa poder, at ipamukha sa kanila na ang kanilang ibinoboto ay mga arkitekto ng malawakang pagpatay, talamak na pagnanakaw, at katapusan ng demokrasya.

“When blood runs in the streets, never let them forget that they have blood on their hands, glowing fervid and bright red. Remind them every day. These are their crimes now. Make them answer for these crimes, make them own them. Make them defend them.” “I am in utter grief. F*** my mother for abetting this. Their crimes are her crimes now. Make her defend them,” pagwawakas ni Lorenzo.

About Rose Novenario

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …