Friday , May 27 2022
Atong Ang e-sabong pitmaster

Susunod kami sa utos — Atong Ang

“NAGSALITA na ang pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya.”

Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, ang pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kompanya na may palarong e-sabong.

Dagdag ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.”

Nauna nang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang lahat ng e-sabong sa bansa simula kahapon, araw ng Martes, bunsod ng rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon sa Malacañang, maraming nalululong sa e-sabong na nagiging social problem na.

Nangako si Ang na kapag muling binuksan ang e-sabong ay naayos na nila ang mga nasabing problema.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …