Sunday , December 22 2024

Rose Novenario

Isko sa IATF:
ASUNTO VS DENR EXECS SA DOLOMITE BEACH ‘SUPERSPREADER’ EVENT

102721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas sa publiko ng Manila Bay dolomite beachfront. “Ang ironic kasi riyan, sila ‘yung nagpapatupad, sila …

Read More »

Pantawid Pasada Program binuhay,
P1-B CASH AID SA 178K TSUPER IPINANGAKO

Pantawid Pasada Program, LTFRB, DBCC

ISANG bilyong pisong cash aid ang ipamamahagi ng gobyerno sa 178,000 tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa sa nalalabing tatlong buwan ng 2021. Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) matatanggap ito ng mga tsuper sa ilalim ng binuhay na Pantawid Pasada Program na pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang ayuda ng pamahalaan sa …

Read More »

DoJ drug killings review, mapanlito, mapanlinlang — NUPL

DoJ, NUPL

MAPANLITO at mapan­linlang ang isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa 52 insidente ng pagkamatay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte sa nakalipas na limang taon dahil walang naisampang kaso laban sa mga sangkot na pulis. Inihayag ito ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) member Atty. Kristina Conti kasunod ng pagsasapubliko ng DOJ sa resulta ng …

Read More »

Bato tablado
MARCOS MAS PINILI NI SARA

102521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IMBES tumakbo bilang presidential candidate, ang anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang piniling suportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte at ng kanyang regional party Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa 2022 presidential elections. Inamin ni Sara, sa kanilang pulong ni Bongbong ay tinalakay nila kung paano makatu­tulong ang HNP sa …

Read More »

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

102221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isinasawagang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong drug war ng kanyang administrasyon. Ayon kay Duterte, sinabi niya kay Bato na huwag mag-alala dahil sagot niya ang lahat ng nangyari kaugnay sa drug war at nakahanda siyang makulong kapag …

Read More »

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

Colin Powell

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US secretary of state at chairman ng Joint Chiefs of Staff kamakalawa dahil sa mga komplikasyong dulot ng CoVid-19. Ayon sa isang kalatas ng pamilya Powell na ipinaskil sa Facebook, si Powell, 84, ay fully vaccinated ng bakuna kontra CoVid-19 at nasa Walter Reed National Medical …

Read More »

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

102021 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals kaya naisakatuparan ang ‘grand conspiracy’ para ‘paduguin’ ang kaban ng bayan. “This grand conspiracy could never have happened without the imprimatur of the executive from beginning to end, from meeting with Pharmally to the appointments of selected people who are extremely loyal to him is …

Read More »

Malalim na pang-unawa sa ugat ng armed conflict hirit ng CPP sa pres’l bets

Malacañan CPP NPA NDF

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa 2022 presidential bets na magkaroon ng malalim na pang-unawa sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Inihayag ito ng CPP sa isang kalatas kasunod ng pahayag ni Vice President Leni Robredo na kapag naluklok sa Malacañang ay isusulong niya ang “localized peace talks” para tugunan ang ugat ng problema na …

Read More »

17-ANYOS PABABA BAWAL PA RIN SA MALL, DINE-IN RESTO

No Entry, mall, indoor dine-in, Covid-19

MANANATILING bawal sa mga mall at dine-in restaurants sa Metro Manila ang mga kabataang may edad 17-anyos pababa. Bahagi ito sa mga napagkasunduang patakaran ng Metro Manila mayors na ihahayag anomang araw bilang paglilinaw sa ipinatutupad na Alert Level 3 ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagpapahintulot sa mga batang lumabas ng bahay mula 16-31 Oktubre, ayon kay San Juan …

Read More »

Pharmally ‘una’ sa 30 kompanyang sumungkit ng P27.4-B (Sa P65.19-B Bayanihan 1 & 2 funds)

101521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANGUNA ang Pharmally Pharmaceutical Corp., sa 30 kompanyang nakasungkit sa gobyerno ng 42% ng kabuuang pandemic contracts na nagkakahalaga ng P27.4-B. Ayon sa special report ng Right to Know, Right Now Coalition (R2KRN), ito’y pinakamalaking bahagi ng kabuuang P65.19-B kontrata na pinaghatian ng 7,267 suppliers mula Marso 2020 hanggang Setyembre 2021. Ang ulat ng R2KRN ay batay …

Read More »

Sen. Bato ‘istorbong’ kandidato (Sa hayag na pagpaparaya kay Sara)

101221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring maideklarang nuisance candidate o istorbong kandidato si PDP Laban Cusi faction presidential bet Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pag-amin niyang handa siyang umatras para bigyan daan ang presidential  bid ni Davao City Mayor Sara Duterte.  “Puwede akong magparaya kay Mayor Sara. Alam ko may senaryo na ganoon …

Read More »

Digong ‘nega’ kay BBM bilang tandem ni Sara

Rodrigo Duterte, Bongbong Marcos, Sara Duterte

AYAW ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te na maging running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang anak ng diktador, talunang vice presidential bet at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos. Inihayag ito ni Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Duterte. “Sa tingin ko, base sa nababalitaan ko, ayaw …

Read More »

Palasyo tameme sa Nobel Peace Prize ni Maria Ressa

Maria Ressa, Nobel Peace Prize

WALANG kibo ang Malacañang sa pag­gawad ng 2021 Nobel Peace Prize kay Rappler CEO Maria Ressa sa kabila ng papuri sa kanya ni US President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., at ng iba’t ibang grupo at personalidad sa loob at labas ng bansa. Si Ressa ang kauna-unahang Filipino na nakasungkit ng presti­hiyosong Nobel Peace Prize kasabay ni Russin journalist Dmitry …

Read More »

Oposisyon vs Duterte lumalakas (Dahil sa Senate ‘plundemic’ probe)

101121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NIYAYANIG ng lumalakas na puwersa ng opisyon sa Davao City ang mga Duterte kaya hindi makapag­desisyon ang pamilya kung sasabak si Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential race o tatapusin ang termino bilang alkalde ng lungsod. Ayon kay Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te, nakaapekto …

Read More »

PH kulelat sa global Covid-19 recovery index

Philippines Covid-19

KULELAT ang Filipinas sa CoVid-19 recovery index na ginawa ng Nikkei Asia. Nasa ika-121 ang Filipinas nang iranggo ang 121 bansa sa mundo pagdating sa kakayahang maka-recover sa pandemya. Ibinatay ng Nikkei Asia ang pag-aaral sa infection management, vaccination rollout, programs at social mobility. Kabilang sa pinagbasehan ang mababang vaccination rate ng bansa na 30% lamang ng populasyon ang nababakunahan. …

Read More »

Robredo sumabak sa 2022 pres’l race

100821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SUMABAK na si Vice President Leni Robredo kahapon sa 2022 presidential race bilang independent candidate kahit nanatili siyang chairperson ng Liberal Party. Napaulat na si LP stalwart Sen. Francis Pangilinan ang kanyang magiging running mate. Bago ihain ni Robredo ang kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon sa Comelec ay nakipagkita muna siya sa mga kaalyadong sina Sen. …

Read More »

Markulyo ni Digong sa ‘plundemic’ probe
KORTE SUPREMA NAIS KALADKARIN SA ‘CONSTI CRISIS’

Duterte, Senate, Supreme Court

MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin sa Korte Suprema ang isyu ng pagbabawal niya sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa Senate ‘plundemic’ probe. Tinagurian ng Philippine Bar Association at ng ilang senador, mga grupo, at personalidad na unconstitutional ang memorandum ni Duterte na nagbabawal  sa paglahok ng mga opisyal at empleyado sa pagdinig ng …

Read More »

NTC inutil
SABOTAHE SA EMERGENCY TEXT BLAST ‘DI MAAWAT

100721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO WALANG kakayahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para awatin ang mga nananabotahe sa emergency text blast para sa iba’t ibang agenda lalo kung ito’y politikal. Inamin ni NTC Undersecretary Edgardo Cabarios na bagama’t iniimbestigahan, mahihirapan ang ahensiya para alamin kung sino ang nasa likod ng kumalat na ‘illegal’ emergency text blast kahapon bilang patalastas sa 2022 presidential …

Read More »

Memo ni Duterte vs ‘plundemic’ probe garapal (Unconstitutional!)

100621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ITINAGO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘takot’ sa Senate Blue Ribbon Committee ‘plundemic’ probe sa pamamagitan ng ‘memorandum’ na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa pagdinig. Mula nang magsimula ang ‘plundemic’ probe ay naging bisyo ni Duterte na idepensa ang mga opisyal at kaalyadong iniimbestigahan ng Senado at walang habas ang …

Read More »

Gov’t execs tuloy pa rin sa senate ‘plundemic’ probe (Kahit pagbawalan ni Duterte)

 LALAHOK pa rin sa mga pagdinig na ipatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee, na tinaguriang ‘plundemic’ probe, ang mga opisyal ng administrasyon kahit pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “While the Cabinet officials appreciate the concern of the President, e sila naman po, for purposes of transparency, pupunta pa rin po sa Senado dahil wala naman pong itinatago,” sabi ni Presidential …

Read More »

‘Davao made’ na depensa ihahatag sa ICC (Sa crimes against humanity vs Duterte)

100521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO GAYA sa isang paltik na kalibre. 45 baril na ginamit sa maraming putukan, babalik sa kanyang lungga sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa puwesto sa Hunyo 2022, para paghandaan ang kanyang depensa sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) sa isinulong niyang madugong drug war.         Ang Davao ay kilala sa paggawa ng …

Read More »

PPEs bumaha sa Customs (Bago March 2020 lockdown declaration)

Bureau of Customs, BoC, PPEs

BUMAHA ang mga personal protective equipment (PPEs) sa Bureau of Customs (BoC) bago ideklara ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang unang lockdown sa buong Luzon noong Marso 2020.    Isiniwalat ito ni Sen. Panfilo Lacson sa ika-10 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang multi-bilyong medical supplies contract na nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation mula sa Procurement Service-Department of Budget and …

Read More »

Cyber-libel ng DV Boer vs Hataw ibinasura (Sa Makati at Mandaluyong cities)

100421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINASURA ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong ang reklamong paglabag sa Anti-Cyber Crime Law at Anti-Fake News Act na isinampa ni Dexter Villamin ng DV Boer International Corporation laban sa reporter at editor ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan. Sa desisyon ni Fiscal Billy Joel M. Pineda, assistant city prosecutor ng Mandaluyong, naka­saad na ibinasura …

Read More »

P4k ibinayad ng Pharmally sa accountant

Illuminada Sebial, Pharmally, Money

APAT na libong piso lamang ang ibinayad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kanilang external auditor para pirmahan ang financial statement ng kompanya na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC). Inamin ni Illuminada Sebial, external auditor ng Pharmally, tumanggap siya ng P4,000 mula sa kompanya para sa isang beses na trabahong paglagda sa financial statement ng kompanya sa SEC at …

Read More »

P.105+M pasanin ng bawat Pinoy (Sa P11.64 trilyong utang ng Duterte admin)

Philippines money

MAY P105,818 utang ang bawat Filipino dahil pusupusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P11.64 trilyon hanggang noong nakalipas na Agosto. Sa report ng Bureau of Treasury, pumalo na sa bagong record high na P11.64 trilyon ang utang ng national government noong Agosto 2021. Batay sa ulat, nadagdagan ng P32.05 bilyon ang utang ng Filipinas sa loob …

Read More »