Saturday , April 19 2025

Robredo sumabak sa 2022 pres’l race

100821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

SUMABAK na si Vice President Leni Robredo kahapon sa 2022 presidential race bilang independent candidate kahit nanatili siyang chairperson ng Liberal Party.

Napaulat na si LP stalwart Sen. Francis Pangilinan ang kanyang magiging running mate.

Bago ihain ni Robredo ang kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon sa Comelec ay nakipagkita muna siya sa mga kaalyadong sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Risa Hontiveros, at human rights lawyer Chel Diokno.

Kasama ni Robredo ang mga anak na sina Tricia at Aika nang isumite ang kanyang COC.

Tiniyak ni Robredo na ibabalik ang disenteng pamamahala at maayos na pagtugon sa CoVid-19 pandemic.

“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” ani Robredo sa kanyang talumpati nang ianunsiyo ang presidential bid.

Naniniwala ang opposition coalition 1Sambayan na pamumunuan ni Robredo ang sambayanang Filipino “in healing the nation, reviving the economy, eradicating graft and corruption, and restoring our pride and dignity as a people.”

Welcome sa Makabayan coalition ang kandidatura ni Robredo sa pagka-pangulo at nakahanda silang makipagtulungan at iba pang non-administration candidates upang wakasan ang Duterte’s tyranny, preventing a Marcos restoration, and uplifting the country from the catastrophe of the past five years.”

“Even as they have formally filed their candidacies, we urge VP Robredo, Mayor Isko Moreno, and Sen. Manny Pacquiao to continue exploring possibilities for unification,” ani Bayan Muna chairman at senatorial bet Neri Colmenares.

About Rose Novenario

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …