Thursday , June 4 2026
Cristina Decena

Negosyanteng si Cristina nasa bucket list makasakay ng MRT

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT maituturing na isa na siyang milyonarya (o bilyonarya) napakasimple ng isa sa mga nasa bucket list ng celebrity host/businesswoman na si Cristina Decena.

Ano ito?  Ang sumakay sa MRT!

Lahad ni Cristina, “Gusto kong makita ‘yung mga sumasakay doon. ‘Yung iba-ibang antas ng pamumuhay nila.

“Kasi ang sumasakay doon mayroong may pera, mayroong wala, gustong makarating agad sa pupuntahan nila at huwag matrapik.”

Speaking of milyon (o bilyon?) naloka kami kay Cristina dahil siya lang yata ang taong namigay ng mga lote sa Christmas party ng kanyang kompanya.

Nakaka-shock, nakamamangha dahil kung ang iba ay namimigay ng groceries o appliances sa mga Christmas party, pabulosa si Cristina dahil lupa na puwedeng pagtayuan ng bahay ang ipinamigay niya sa mga napaka-masusuwerteng loyal employee niya naglilingkod sa kanya ng maraming taon.

Hindi lamang iyan, may tumanggap din ng titulo ng lupa na ilang mga reporter na malapit kay Cristina.

Bukod dito, pinag-aaral din niya ang mga anak at apo ng mga deserving niyang tauhan.

Sa tanong kung bakit ganoon na lamang ang pagtulong niya sa kanyang kapwa, 

“Kasi iniisip ko binigyan ako ng Panginoong Diyos ng lahat ng ito, ‘di ba? Wala kaming pera noon nakapagtapos ako ng pag-aaral, nag-graduate ako ng cum laude, naging government scholar ako, financial aid, bukod sa government scholar ako binibigyan ako ng suweldo kasi sumusulat ako sa diyaryo, naging literary editor ako ng ‘The New Businessman’ sa PUP. 

“Ang daming ibinigay sa akin na gantimpala. 

“Humingi ako ng isang bahay, napakaraming bahay ang ibinigay sa akin. Sabi ko, ‘Tama na po, okay na po ako, Lord! Ang gusto ko na lang po, sana kung anuman ang mayroon ako maibalik ko sa tao.’

“Lahat ng ipinagdasal ko sa Panginoon ibinigay sa akin kaya gusto kong maibalik sa tao.”

At ngayon ay isa na lamang ang hiling ni Cristina tuwing nagdarasal siya.

“Sana bigyan pa ako ng mahaba pang energy, medyo mahaba pang panahon, para mas marami akong taong matulungan, mas maraming pamilya akong mapakain, mas marami akong batang mapag-aral. 

“Iyon lang ang wish ko, good health, long life.”

Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga biyaya kay Cristina dahil marunong siyang mag-share ng blessing sa iba, lalo na sa mga nangangailangan na walang hinihintay na kapalit kundi pagmamahal at loyalty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …