Thursday , June 4 2026
EDSA 40 People Power

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power
WALANG PERMISO WALANG RALLY – PNP

HATAW News Team

MARIING ipinahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatutupad ang “no permit, no rally” policy sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Miyerkoles, 25 Pebrero.

“Ipatutupad natin ang no permit, no rally since kailangan natin makapag-prepare dahil dalawang malaking pagtitipon ito,” pahayag ni NCRPO spokesperson PMaj. Hazel Asilo sa panayam sa isang estasyon ng radyo.

Ayon kay Asilo, kailangan ipatupad ang polisiya dahil dalawang malalaking grupo ang magsasagawa ng magkahiwalay na protesta bukod sa plano ng iba pang sektor na lumahok sa Trillion Peso March sa Miyerkoles upang labanan ang korupsiyon sa gobyerno at isulong ang panawagan na wakasan ang political dynasties.

“Ang nabigyan ng permit ay isang grupo mula sa Trillion Peso March Movement, para mag-conduct ng programa sa White Plains,” ani Asilo.

Ngunit sa social media post ng Koalisyon Makabayan, kanilang itutuloy ng protesta may permit man o wala.

“EDSA People Power never needed a permit, we won’t too. Tuloy ang protesta sa Pebrero 25!” nakasaad sa post ng Koalisyon Makabayan.

Ipinag-utos na ng pamunuan ng PNP na magtalaga ng 14,000-puwersa ng pulisya para ikalat sa mga lugar kung saan hihimpil o magmamartsa ang mga protesta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …