Thursday , June 4 2026
Remolino Seda-Lomboy NAGT
TINAWID ni Kim Andrew Remolino ang finish line sa bilis na 56 minuto at 17 segundo sa sprint men’s elite para angkinin ang korona sa National Age Group Triathlon (NAGT) nitong Linggo sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales. KAMPEON sa women’s elite, si Dhana Victoria Seda-Lomboy matapos itala ang 1:07:49 at talunin si Lady Samantha Jhunace Corpuz na may oras na1:08:42. (HENRY TALAN VARGAS)

Remolino, Seda-Lomboy namayagpag sa NAGT elite

SUBIC BAY, Zambales – Walang kupas si Cebu pride Kim Andrew Remolino matapos ipagtanggol ang kanyang men’s elite crown sa National Age Group Triathlon (NAGT) nitong Linggo sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.

Tumawid sa finish line ang University of San Carlos sophomore sa bilis na 56 minuto at 17 segundo sa matinding sprint race na may 750m swim, 18km bike at 5km run. Pinaikli sa 18km ang bike mula sa 20km dahil sa road repair, pero hindi ito naging hadlang sa ratsadang takbo ni Remolino!

Dikit ang laban nina Matthew Justine Hermosa (56:21) na sumegunda at Dayshaun Karl Ramos (56:44) para sa pangatlong puwesto.

“Nagpunta ako rito na handa at masaya ako sa resulta,” saad ni Remolino.

Sasabak naman sina Remolino at Hermosa sa PRISAA regional qualifying sa Marso 13-14 sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa women’s elite, wagi si Dhana Victoria Seda-Lomboy matapos itala ang 1:07:49 at talunin si Lady Samantha Jhunace Corpuz (1:08:42).

Sa junior elite, rumatsada si Darell Johnson Bada upang angkinin ang ginto sa oras na 56:57. Pangalawa si Euan Arrow Ramos (58:57) at pangatlo si Peter Sacho Del Rosario (59:12).

“Palagi kong ibinibigay ang best ko sa bawat karera,” ani Bada.

Sa girls’ division, nanguna si Anisha Eunice Caluya (1:07:09), kasunod sina Christy Ann Perez (1:07:56) at pangatlo si Aira Danara Gregorio (1:08:38) na sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Subic Bay Metropolitan Authority Tourism. (TriPhil/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …