Wednesday , March 29 2023

Bato tablado
MARCOS MAS PINILI NI SARA

102521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

IMBES tumakbo bilang presidential candidate, ang anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang piniling suportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte at ng kanyang regional party Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa 2022 presidential elections.

Inamin ni Sara, sa kanilang pulong ni Bongbong ay tinalakay nila kung paano makatu­tulong ang HNP sa presidential bid ng anak ng diktador.

“Ang amoa lang nga giistoryahan, nga sa pagkakaron is how HNP in Davao Region can help his bid for the presidency,” aniya sa panayam sa media sa Cebu.

Hindi aniya nila napag-usapan ang posi­bilidad ng Marcos-Duterte tandem.

“Wala pa’y istorya mahitungod niana.”

Ipinaskil ni Sara sa social media ang mga larawan ng pulong nila nina Bongbong at Sen. Imee Marcos sa Cebu City nang dumalo sila sa birthday celebration ng asawa ni House Majority Leader Martin Romual­dez na si Tingog partylist Rep. Yedda Romualdez.

Matatandaan noong 9 Setyembre 2021, inihayag ni Sara na hindi na susuporta sa PDP-Laban ang HNP.

Ang tambalang Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Christopher “Bong” Go  ang pambato ng PDP-Laban Cusi faction at inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …